Coco, nahirapan sa paggawa ng MMFF movie
Kaabang-abang ang pelikulang Labyu With An Accent na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.
Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022 ngayong Kapaskuhan. Ayon sa aktor ay talagang naalala niya ang mga nagawang independent films noon habang ginagawa ang naturang MMFF entry. “Alam naman po natin na nanggaling ako sa indie. ‘Pag sinabi mong indie films, malaki ‘yung potensyal ipanlaban abroad. ‘Yung mga na-experience ko do’n, ipinasok ko sa pelikula. ‘Yung mga fans ko no’ng nagsisimula pa lang ako sa indie, mabubuhay ulit sa pelikulang ito. Talagang tinodo ko dito eh,” nakangiting pahayag ni Coco.
Matatandaang nagbida ang aktor noong nagsisimula pa lamang sa mga pelikulang Masahista, Serbis at Daybreak na lahat ay indie movies.
Aminado si Coco na nahirapan sa paggawa ng bagong pelikula dahil kailangang maging kakaiba ito kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. Bukod sa pagiging bida ay si Coco rin ang nagsilbing direktor ng Labyu With An Accent. “Medyo mahirap po honestly. As an actor na kung paano ko iibahin o ibang putahe naman ‘yung ibibigay ko sa mga manonood para ‘di naman sila magsawa. Gusto kong sulitin ‘yung panahon at pera na ibabayad nila sa sinehan. Ito, binali ko talaga sa rom-com drama. Gusto ko talaga na ibang experience every time na mapapanood po nila kami,” pagbabahagi ng actor-director.
Sa Amerika pa kinunan ang karamihan sa eksena ng kauna-unahang pelikula na pinagtambalan nina Coco at Jodi. Kasama rin sa naturang proyekto sina Nova Villa, Rochelle Pangilinan, Joross Gamboa at Nash Aguas.
Jessy, excited na sa panganganak
Nakatakda nang manganak si Jessy Mendiola ngayong buwan. Nakararamdam umano ang aktres ng insecurity ngayon dahil sa tuluyang paglaki ng kanyang katawan.
Gayunpaman ay natanggap na rin ng aktres sa kanyang sarili ang mga naging pagbabago sa katawan. Excited na si Jessy para sa kanilang unang anak ni Luis Manzano. “Hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago ‘yung katawan mo. Mas lalo na kung you were active before the pregnancy. As months go by, kapag nakikita mong lumalaki ‘yung tiyan mo, doon mo maiisip na it’s all worth it kasi you are carrying a human inside of you. I’ve accepted that my body will change regardless of how much I try to live in the past. To all the expectant moms out there like me, remember, you have a growing human inside of you. It’s not easy, but it’s worth it,” makahulugang paglalahad ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest