Jinkee nairampa na ulit ang mga luxury brand, nag-crash landing sa Switzerland
Channeling Hyun Bin and Son Ye-jin ng Crash Landing On You sina Senator Manny and Jinkee Pacquiao.
Kasalukuyang nasa Europe tour ang Pacquiao family at babalik sila ng bansa, middle of July na.
From Germany ay dumiretso sila sa Switzerland.
Bukod sa magagandang tourist spots na pinapasyalan nila, nilabas na uli ni Jinkee ang mga luxury brand niya from bags, mga damit and slippers na pinahinga niya during the campaign period.
Common knowledge na nagpaka-simple si Jinkee noong campaign period dahil sa natatanggap niyang mga bashing.
Wala na rin ngayong masabi ang mga bumira sa kanilang pamilya noong eleksyon na wala na silang pera at purdoy na ang kanilang kabuhayan.
Nagpasalamat naman ang boxing champion na sinasabing malamang ay bumalik sa pagbo-boxing na nakasama niya ang buong pamilya sa nasabing bakasyon. “Grateful to spend quality time with family,” pahayag ni Pacman na far third sa ginanap na presidential elections last May.
- Latest