^

PSN Showbiz

Beking komedyante-TV host, nambastos ng direktor!

UBOS Cristy - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malapit na palang maagang matapos ang karera ng isang beking komedyante-TV host nu’ng kasagsagan ng kanyang pangalan. May katarayan ang beki, ayaw niyang may nakikialam sa kanyang trabaho, mabilis siyang magwarla.

Isang araw ay nawindang na lang ang lahat ng nasa studio nang biglang pagmumurahin ng beking komedyante-TV host ang direktor ng sikat nilang programa.

Kuwento ng aming impormante tungkol sa insidente, “Nag-uusap lang sila ni direk nu’ng una, parang wala namang nangyayaring problema. Pero bigla na lang nagwala ang TV host, pinagmumura niya si direk!

“At hindi simple lang ang ginawa niyang pagmumura, may mga PI-PI talaga! Binaboy niya si direk!

“At hindi lang ‘yun! Lumayas siya sa studio! Nag-walk out siya! Hindi na siya nag-host nu’ng mismong araw na ‘yun!” maaksiyong unang kuwento ng aming source.

Heto na. Nang makarating sa mga bossing ang mga ginawang pambabastos sa direktor ng TV host, agad-agad, naglabas ng memo ang production.

Patuloy ng aming source, “Ang laman ng memo, huwag na muna siyang bumalik sa programa, magpahinga muna siya, ang production na lang ang tatawag sa kanya kapag puwede na siyang bumalik!

“Ganu’n katindi, indefinite suspension ang ibinigay sa kanya! Bakit nga naman, sukat ba niyang pagmumurahin ang pinakakapitan ng programa nila!

“Malulutong na PI ang isinigaw niya, as in, talagang nawindang ang lahat ng mga nandu’n na nakarinig sa mga pagmumura niya! So, walang work ang TV host, ‘yun lang naman kasi ang show niya nu’n, ibig sabihin, wala rin siyang kinikita!

“Three months na, wala pa ring tawag sa kanya ang production, paano na nga naman ang career niya? So, nakaisip ng paraan ang TV host, kailangan na niyang kumilos para hindi siya mabalagoong!” madiing kuwento pa ng aming impormante.

Isang umaga ay nandu’n na sa bahay ng producer ang komedyante-TV host. Inagahan niya talaga ang punta sa bahay ng prodoo para siguradong nandu’n pa sa house ang kailangan niyang kausapin.

Rebelasyon ng aming source, “Nagmakaawa siya sa producer na ibalik na siya sa show, pinagsisisihan na raw niya ang lahat, handa rin daw siyang magmakaawa kay direk sa ginawa niyang pambabastos!

“Hindi muna siya pinagbigyan ng producer, hindi pa rin siya pinabalik, magmimi­ting daw muna ang buong production kung makakabalik pa siya sa programa o hindi na!

“Two months pa siyang naghintay, nasasaid na ang bulsa ng komedyante-TV host, dahil wala siyang kinikita! Nagpunta uli siya sa bahay ng prodoo, nagmakaawa na naman siya!

“Si direk na ang nagsabi sa prodoo na bigyan pa siya ng isang chance. Kapag nambastos na naman siya, kapag may minura na naman siya sa production, ‘yun na ang katapusan ng career niya!

“May K na uli ang komedyante-TV host, pero nagbago na siya, ingat na ingat na siya sa kanyang mga ginagawa at sinasabi!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Angel, iniiyakan ang mga biktima ng bagyo

Ilang kaibigan ang tumawag sa amin para ibalita na napakaabala na naman ni Angel Locsin para sa paghahanda niya sa pagtulong sa mga binagyo nating kababayan sa Katimugan.

Hindi nila alam kung kailan bibiyahe ang aktres sa mga lugar na winasak ng bagyong Odette, hindi naman kasi ‘yun ipinagma­makaingay ni Angel, basta dumarating na lang siya sa lugar na ang nakakaalam lang ay ang LGU bilang pagrespeto sa protocol.

Napakagandang puso. Malaking halaga ng kanyang ipinang-aayuda ay sarili niyang pera, ang iba namang gastusin ay sinasagot ng mga kaibigan niyang may mabu­buting puso rin, tulung-tulong sila para kahit paano’y mabawasan ang paghihirap ng mga kababa­yan nating sinalanta ng bagyo.

Sabi ng aming source, “Iyak nang iyak si Angel nang makita niya ang kinahinatnan ng mga binagyo. Totoo naman kasing parang tinamaan ng bomba ang mga lugar dahil halos wala nang naiwanan sa kanila.”

Sa mga ganitong pagkakataon ay maaasahan si Angel sa pagkilos. Wala siyang dala-dalang ca­mera, walang coverage, maghapon siyang namimigay ng ayuda sa mga nakakaawa nating kababayan.

Kaya naman mabait din ang kapalaran kay Angel, anuman ang sabihin ng kahit sino d’yan ay isa si Angel sa mga pinagpapala, dahil bukas din ang kanyang mga palad sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Malayung-malayo ang ginagawang pagtulong ng aktres sa mga pulitikong bago magbitiw ng tulong ay kailangan muna ng pictotial. Wala na ngang makain ang mga winasak ng bagyo ang kabuhayan ay pagpaparetrato pa rin ang kanilang inuuna.

At maraming salamat din sa kanyang mister na si Neil Arce na tulad niya ay may sinsero ring puso sa pagtulong sa mga biniktima ng kalamidad.

Pagpalain pa kayo.

ANGEL

NEIL ARCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with