^

PSN Showbiz

Angel, abala na sa kasal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel, abala na sa kasal!
Angel

Mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN noong isang taon ay maraming Kapamilya stars na ang lumipat sa ibang TV network. Matatandaang isa si Angel Locsin sa mga pinakasikat na artista noon sa GMA bago pa lumipat sa ABS-CBN.

Kahit nawala na free TV ang Kapamilya network ay mas pinili ng aktres na manatili dito. “Stay ako dito kasi iyon ang tingin ko na tama. Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan ‘yung mga kaibigan o Kapamilya. Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap ‘di ba? Habang may pinagdadaanan, hindi mo ‘yan iiwan kapag mahalaga sa ‘yo. Habang may pinagdadaanan ‘yung ABS-CBN, nandito lang ako. It doesn’t mean na nakikita mo ako araw-araw pero I am a Kapamilya pa rin, nandito lang ako, okay pa naman ako,” makahulugang pahayag ni Angel. Wala raw problema sa aktres kung marami man sa mga kaibigan niyang artista ng ABS-CBN noon ang naglipatan na sa ibang istasyon.

“Wala akong judgment sa mga kailangang lumipat. Naiintindihan ko at alam ko na kailangang kumayod para mabuhay. Lahat tayo may iba-ibang pinagdadaanan. At masaya ako kung makahanap sila ng ibang trabaho sa panahong ito. ‘Yan din naman ang gusto ko, ang nasa maayos na kalagayan ang lahat. Ito lang ang naaangkop para sa akin,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, noong June 27 ay nagpaalam na sa ere ang programa ni Angel na Iba ‘Yan sa Kapamilya Channel. Ngayon ay abala ang dalaga sa paghahanda para sa pag-iisang-dibdib nila ng nobyong si Neil Arce.

“Siyempre ikakasal din ako so asikasuhin ko muna ‘yon ‘di ba? May mga bagay muna siguro na kailangan muna pagtuunan ng pansin pero nandito lang ako,” pagtatapos ng aktres.

Jay, pito pa ang pinag-aaral na anak

Labingdalawa ang naging anak ni Jay Manalo mula sa mga babaeng nakarelasyon. Lima raw dito ay nakapagtapos na ng kolehiyo kaya pito na lamang ang mga nag-aaral. Ayon kay Jay ay wala sino man sa anak ang nagkaroon ng interes sa show business. Hanggang maaari ay ayaw din ng aktor na sumabak ang mga anak sa pag-aartista.

“Kasi nade-defocus once na nakatikim na ng either fame or fortune. Nawawala na ‘yung pokus sa pag-aaral. Mara­ming gano’n eh pero hindi ko naman nilalahat, pero karamihan. Lalo na ‘yung inuumpisahan ‘yung pag-aartista sa young age. Nakakalimutan na ‘yung kanilang urge to finish the eductation. Sa mga anak ko with my wife, wala akong nakitang may hilig,” paliwanag ni Jay.

Para sa aktor ay mahalaga talaga na bigyang importansya ang edukasyon upang maging maganda ang kinabukasan ng mga anak. Sinisikap umano ni Jay na masuportahan ang pag-aaral upang makatapos ang mga ito.

“Ako kasi lahat ng trabaho pinasukan ko hanggang sa itong showbiz nga. Ito ‘yung nagsuporta sa akin at nagsuporta sa mga anak ko para makapag-aral. Ituluy-tuloy ko na lang ang obligasyon ko sa kanila, kung ano ‘yung aim ko para sa kanila,” giit ng aktor. Reports from JCC

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with