^

PSN Showbiz

Mag-asawang Sonny at Tootsie Angara, malapit sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko malilimutan ang malaking tulong ni Sen. Sonny Angara sa anak ng kasama ko sa bahay na si Mel, si Bebe thru Lynette Baldivino.

Talagang that time may scholarship program si Sen. Sonny sa mga bata na magtatapos sa college at narinig ni Mel sa radyo kaya lumapit kay Lynette.

Bongga, dahil graduate na ngayon si Bebe at solid Angara fan siya, pati mga lola at lola niya sa Leyte. Ang laki ng tulong na iyon ni Lynette, at isang malaking blessing ang scholarship program ni Sen. Sonny.

At ang wife ni Sen. Sonny na si Tootsie very close sa mga showbiz writer dahil nga dati siyang ­empleyado sa ABS-CBN.

At dahil na rin sa napakagandang PR ni Mrs. Tootsie kaya love na love ng mga showbiz writer si Sen. Sonny, bukod sa father niya na namayapang si Sen. Edgardo Angara ay naging close din sa mga taga showbiz dahil madalas siya makipag-chica time sa mga ito noon.

There was a time na akala nga ng marami tatakbo bilang Presidente ang senior Angara dahil madalas bigyan ng lunch presscon ni Mother Lily ­Monteverde.

Angara since the 80’s pa close na sa mga showbiz press. Kaya naman, namana ni Sen. Sonny ang pagiging darling ng showbiz press mula sa father niya.

Birthday greetings ni Song, nakakasabik

Naku ha, inggit ako sa PR lady na si Joyce Ramirez dahil kukuha siya ng video greeting kay Song Joong-Ki para batiin ako ng Happy Birthday.

Talaga daw ika-career niya ang regalo niyang video greeting para ma-feel ko na ako si Song Hye-kyu hitsurang divorced na sila.

Sabagay, kahit ipinalit ko kay Joong-Ki si Jo In-Sung, siya pa rin ang  first korean crush ko dahil sa Descendant of the Sun. Pero ang inggit ako kay Joyce, may Mario Maurer na siya, meron pa siyang Song Joong-Ki.

Grabe naman, napapaligiran siya ng mga papable, yummy men ha, ayaw ni Kakai ng ganyan, baka mag-apply siyang assistant ni Joyce dahil diyan, hah hah, joke joke lang.

Pero walang biro, talagang kainggit si Joyce bilang PR ha, mga top of the line mga artist niya.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with