^
John, hindi pa rin alam kung kailan magtatapos ang Probinsyano
John
STAR/ File

John, hindi pa rin alam kung kailan magtatapos ang Probinsyano

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2020 - 12:00am

Mula nang magbalik sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin ay ipinatupad na ang TV Production safety protocols dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Kabilang din si John Arcilla sa nangungunang serye sa bansa. Ayon sa beteranong aktor ay talagang istrikto sa kanilang ginagawang lock-in taping. “’Yung new normal very strict ang ABS-CBN sa mga health protocol. Papasok ka at isa-swab ka, mag-stay ka muna sa hotel mo ng 24 to 48 hours then after you get the result bago ka pa lang mag-start ng taping mo ng two weeks. After two week e-exit ka, tapos swab ka ulit. Then you will stay in your hotel again and wait for another 48 hours to get the negative result and bago ka lang lalabas ulit. ‘Pag nag-positive ka may choice ka if you’re going straight to your house or pwede kang tumuloy sa quarantine barracks ng ABS-CBN. Kasi hindi ka naman pwedeng umuwi sa pamilya mo kung positive ka. During the shoot, we can’t really get together or eat together, ” pagbabahagi ni John.

Limang taon nang patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang naturang serye. Ayon kay John ay hindi rin niya alam kung kailan ito magtatapos. “Hindi ko po alam. Wala pang plano tapusin si Coco. Magastos talaga and in way, I feel for the producers. Bilib ako sa perseverance at lakas ng loob ng ABS-CBN na talagang sumugal. Imagine lahat ng artista, (pati staff and crew) ipapa-swab mo in and out. Tapos naka-hotel, ang laki ng gastos. Isang malaking warehouse ‘yung location namin na tina-transform into different offices. Itatayo na lang ‘yung interior ng palasyo dito, ‘yung bahay o mansion dito,” paglalahad ng aktor.

Ka Tunying, sobrang sakit ang nararamdaman sa ginawa ng katiwala

Kamakailan ay nadiskubre ni Anthony Taberna na ninakawan sila ng isang pinagkatiwalaang tauhan ng Ka Tun­ying’s Café. Ayon sa sikat ng brodkaster ay talagang malaking halaga ang nakuha mula sa kanyang negosyo. “Hindi maliit na halaga ‘yung kinuha sa kompanya. Kumita ka ng konti sa pagtitinda ng tinapay, iniipon mo ‘yon tapos kukuhain lang ng ibang tao.

“Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon, ‘yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya. Tinitingnan din namin ang pananagutan ng bangko kasi malaking halaga,” pagdedetalye ni Anthony sa Magandang Buhay.

Maraming mga sangay ang Ka Tunying’s Café pero posibleng magsara na ang kompanya dahil sa malaking halaga ang nawala rito. Reports from JCC

JOHN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with