^

PSN Showbiz

Arjo, nagsalita na sinasabing panggagamit sa kanyang ina

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arjo, nagsalita na sinasabing panggagamit sa kanyang ina
Arjo
STAR/ File

Hindi raw ginamit ni Arjo Atayde ang inang si Sylvia Sanchez upang makakuha ng mga proyekto noon. Ayon sa aktor ay talagang pinagsumikapan niya ang lahat mula nang pasukin ang show business. “Having a mom who’s an actress doesn’t necessarily mean they would get you. You still have to work for it. I think that’s a misconception of mga anak ng artista. Even my sister Ria, we all worked for it. It’s just a big factor that our mom is in the industry. We already have the exact and factual guidance to be given to us, which is our advantage. Fame is not my game. Having goals like stepping out of my mom’s shadow, it’s not like that,” paliwanag ni Arjo.

Marami nang nagawang mga kontrabida role ang aktor pero hindi naman daw ito ang kanyang pinapangarap na gawin noon. “I didn’t want to be a kontrabida. I don’t  want to be a matinee idol or anything. I’ve always wanted to be a comedian. That’s the reason why I wanted to be an actor was because I wanted to work with Babalu and Redford White. That was my goal before but ‘di nabigyan ng chance kasi I started na rin late,” kuwento ng binata.

Hanggang maaari ay hindi raw pinag-uusapan sa bahay ng pamilya ni Arjo ang tungkol sa kanya-kanyang trabaho bilang mga artista. “Total opposite of what I do. Kulitan kami, Netflix, kain. Pandemic, so everyone’s stuck at home. No choice but to bond with everyone else, just bonding. Minsan napag-uusapan naman ‘yung showbiz but nothing too intense because we’re already doing it everyday. So we can talk about other things when we’re at home,” pagbabahagi ng aktor.

Jin nakipag-break sa gf, umaming may mali sa kanya

Kumpirmadong nagkahiwalay na si Jin Maca­pagal at ang non-showbiz girlfriend. Ayon sa Bi­da­man winner ng It’s Showtime ay isa sa mga naging dahilan ng hiwalayan ay ang pagkakaroon ng pandemya. Halos pitong taon ding magkasintahan ang dalawa. “Hindi naman po kasi kami magkasama ngayong pandemic so mahirap gumalaw. Lagi mong iniisip ‘yung isa na… so nagiging somehow I felt like I was being held down. But then kasi hindi ko kayang mag-isa, hindi niya naman kasalanan ‘yon. Kasalanan ko na kailangan ko siya para makagawa ng mga bagay,” makahulugang pahayag ni Jin.

Sa Bohol nakabase ang dating kasintahan at ang aktor naman ay nasa Maynila dahil sa trabaho. Mula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 ay naiba na raw ang takbo ng relasyon ng dalawa. “No’ng nag-lockdown parang hingi lang ako nang hingi. ‘Uy! Usap tayo.’ Siya din hingi nang hingi. Hindi kami buo, so nakaka-drain. Ang cause ng hiwalayan naman ay ako at siya. Ako po ‘yung nakipag-break. Nakikita ko na rin siya na nahihirapan and na-feel ko na meron talagang mali sa akin,” pagtatapat ng binata.

Aminado si Jin na malaki ang naging pagkakamali niya sa dating kasintahan. Maging ang sarili ay napabayaan na rin ng aktor mula nang manirahan sa Maynila. “I’m a kid from Cebu. Buong buhay ko talaga nando’n ako. I was very lost, I lost myself. Sa Cebu kilala ako ng mga tao in the sense na hindi ko na kailangan magsabi or ipakita kung sino ako. This is the time that I had to slow down and mag-isip, tanggapin kung sino ako, kilalanin kung sino ako. Napabayaan ko ang sarili ko dahil lagi kong iniisip ang ibang tao,” nakangi­ting pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ARJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with