^

PSN Showbiz

34 blind items...

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Actor na hindi ‘blessed’  maraming props magpaligaya hoping sa milyones female personality sa sinasayang ang datung  pagpindot sa machine!

1 Pagdating sa kakuringan ay nangunguna sa listahan ang isang dating matinee idol na hanggang ngayo’y aktibo pa rin sa pag-arte.

Hindi siya nagdadala ng cash, kaya kapag may nagkakantiyawan sa set para mag-ambag-ambag sa food ay isa lang ang kanyang dahilan, card lang ang meron siya.

Araw-gabi siyang ganu’n, puro libre lang ang pag-asa niya, kilalang-kilala na ng kanyang mga kapwa artista ang kanyang kartada.

2 Mismong mga ex niya na ang nagsasabi, hindi masyadong “blessed” ang sandata ng isang pamosong male personality, pero naman, bumabawi siya sa kung anu-anong kadramahan pagdating sa kama.

Siya si Mr. Props, sagana siya sa kung anu-anong stuff kapag lumilipad sila sa kaligayahan ng kanyang partner. Meron siyang toothpaste, prutas, juice at kung anu-anumang puwede niyang gamitin para mabawi niya ang kanyang kakulangan sa kanyang sandata.

Magaling siyang pumaraan, ‘Tol, sa totoo lang, magaling!”

3 Mismong mga kasamahan niyang artista ang nagkukuwento na may paiba-ibang mood ang isang pamosong female personality. Depende sa gising niya ang mood ng magandang aktres.

Harinawang sa pag­lagay niya sa bagong mundo nila ng kanyang boyfriend ay magbago na ang temperatura ng kanyang ugali. Ang ganda-ganda pa naman ng kanyang name, very holy, sa totoo lang!

4 Kuring ba kanyo? Pinagpipistahan palagi sa mga umpukan ang pagiging masinop sa pananalapi ng isang kilalang-kilalang female personality.

Nu’ng minsang magtipon-tipon ang kanyang mga tagahanga ay hindi man lang niya naisipang magpabili ng kahit banana cue para hindi magutom ang kanyang mga faney!

Hindi na nakapagtataka kung bakit isa siya sa pinakamayamang artista ngayon. Sigurado na ang kanyang kinabukasan.

5 Madaling lapitan pero mahirap hanapin. Du’n kilalang-kilala ang isang female personality na mahilig magpapansin. Kapag may nangangailangan ay sinasagot niya agad ‘yun, pero naman, napakahirap na niyang makita pagkatapos.

Sa sobrang laki niyang ‘yun ay hindi na siya makita ng pinangakuan niya, para siyang multong bigla na lang nawawala, sa totoo lang!

6 Sino naman ang female personality na kung tutuusin ay malaki pa rin naman ang kinikita pero laging walang laman ang bulsa? Sayang na talent fee, ipinakakain lang niya sa makina, ayaw niya pa ring mag­lubay sa kanyang kinahiligang pagpindut-pindot sa pag-asang mananalo siya nang milyones.

7 Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa marami kung ano talaga ang tunay na pinag-ugatan ng away ng isang mag-inang artista. Masamang-masama ang loob ni mommy sa kanyang daughter.

Kapag nabalik na kaya ang mga nawawalang kayamanang pinaghirapan ng aktres ay mapatatawad na niya ang kanyang anak?

8 May katigasan pala talaga ang ulo ng isang female personality na produkto ng pagmamahalan ng isang nagkahiwalay na showbiz couple. Kahit sino ay hindi niya pinakikinggan.

Kung ano ang kanyang gusto ay ‘yun ang kailangang masunod, hindi siya nakikinig sa mga payo ng nakatatanda, kaya talagang magtatagal ang hidwaan nila ng kanyang mommy na punumpuno na sa kanya.

9 Tawasin man kuno ngayon ang isang kilalang young actor ay hindi na niya gugustuhing makipagbalikan pa sa kanyang ex-girlflriend na ubod nang selosa.

Ang ending, ang girl pala ang may ginagawang milagro, pero ang lalaki ang kanyang pinagbibintangan, Julie Andrews ang young actress sa pakikipagrelasyon sa isang male personality na may karelasyon pa nang maging sila.

10 Walang pakialam ang isang kilalang female personality sa sinasabi ng kahit sino, wala siyang keber sa payo ng kanyang mga magulang, lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon.

All mine to give ang girl sa kanyang boyfriend na mukhang ginagawa lang naman siyang syunga, dahil sa pakikipaglandian nito sa mga babaeng naglalapitan sa kanya, nakakaawang girl!

11 Kung kailan matatapos ang mga hirap sa buhay ng isang young actress ay siya lang ang nakakaalam. Grabe siyang pahirapan ng taong mahal na mahal niya, pero hindi naman siya mahal, sa halip ay ipinapahiya pa nga siya sa kanyang mga faney.

Sobrang bait ng young female personality na tinatanggap lang ang sobrang pagpapahirap ng kanyang ina dahil siya ang pinagbubuntunan nito ng sisi sa nangyari sa kuwento ng buhay ng kanyang mga magulang.

12 Alam kaya ng isang young actress na hindi naman talaga siya lang ang nag-iisang pinagbibigyan ng atensiyon at pinagkakaabalahang mahalin ng kanyang boyfriend?

Kabisado ng mga kaibigan ng male personality ang kanyang mga atake, magaling itong tumakas, sa mga panahon na ang akala ng girl ay mahimbing nang natutulog ang kanyang boyfriend ay abalang-abala ito sa ibang babae.

13 Gustung-gusto nang payuhan ng kanyang mga kapwa artista ang isang magandang female personality para su­buking gamitin ang isang pildoras na nakapaglilinis ng bituka.

Nakahihilo kasi ang amoy ng hininga ng magaling pa namang aktres, amoy imburnal ‘yun kung ilarawan ng kanyang mga katrabaho, wala lang talagang nagkakaroon ng lakas ng loob na tapatin siya.

14 Maporma siya, guwapo, pero hindi pala mahilig maligo ang isang pamosong male personality. Isa pala ‘yun sa madalas nilang pagtalunan ng kanyang girlfriend.

Gustong alamin ng malalapit sa young actor kung nagkaroon siya ng trauma sa paliligo. Siguradong meron, dahil kung hindi ay ito ang time na dapat ay palagi siyang bagong ligo dahil pinagkakaguluhan siya ng kanyang mga faney, sikat ang young male personality.

15 Nuknukan nang kasupladuhan ang isang bagets actor. Kundi lang sa kanyang mga alalay ay baka matagal na siyang ginawang punching bag ng mga naiinis nating kababayan.Walang pakialam ang young actor sa mga katrabaho niya, deadma lang siya sa lahat, ayaw na siyang makatrabaho ng mga staff ng isang agency dahil sa kanyang kasupladuhan. Sarili lang niya ang kilala ng young actor na may kulay ang apelyido.

16  Hindi kuno totoong ngayon lang nakipagrelasyon sa beki ang isang male personality. Matagal na siyang boy toy ng mga nilalapitan niyang makatutulong sa kanyang pangarap na makilala. Press release lang niya ‘yun, pinagtatawanan lang ng mga beki ang kanyang mga pinagsasasabi, ‘yun ang totoo! Ayun!

17 Kung kaartehan ang pag-uusapan ay wala nang tatalo sa isang hunk actor na maraming kakuwanan sa buhay. Mara­ming bawal sa kanya, sexy movie ang ginagawa niya, pero ayaw niyang magpakita ng katawan.

Sexy scene ang eksena, pero hindi siya sumusunod sa kanyang direktor, ipinipilit niya ang kanya. Sumisilip din sa mga camera ang hunk actor na ito pero kung bakit siya ganu’n kaarte ay siya lang ang nakakaalam. Lagyan ng X ang pangalan niya!

18 Malaking-malaki ang talent fee na tinatanggap ng isang male personality pero nagtataka ang marami kung bakit siya masyadong nagpapabaya sa kanyang hygiene.

“Masama ang amoy ng hininga niya, may bad breath siya! Kayang-kaya niya namang magpatingin kahit sa espesyalista, pero bakit hindi niya ginagawa?

“Hindi maganda ang amoy ng hinihinga niya, promise, hindi maganda!” sabi pa ng isang source.

19 Pikon ang isang hunk actor lalo na kapag may pumapansin sa kanyang gender. Mabilis siyang maapektuhan, sagot siya nang sagot, nagdedenay siya na kuwestiyonable ang kanyang kasarian pero lantad na lantad naman ‘yun dahil sa kanyang pagkataratitat.

20 Miyembro ng LGBTQ ang karelasyon ngayon ng isang nagpapakontrobersiyal na female personality. Siya ang personalidad na hindi alam kung saan-saan makikita ang mga kila­lang lugar sa ating bayan.

Palagi siyang naliligaw, lagi siyang napapahiya, maraming bansa na ang kanyang nararating pero wala siyang alam tungkol sa ating bayan.

21 Usap-usapan ng isang grupo ang biglang pag-unlad sa buhay ng isang modelo. Pinagkakaguluhan ng mga beki ang guwapong model, pero kabog silang lahat, dahil ang the winner is ay ang guwapong male personality na matagal nang pinagpipistahang beki.

22 Pinakamagaling umatake sa kanyang mga pangarap ang isang male personality na walang pakialam sa anumang sasabihin ng iba kung bakit umunlad ang kanyang kabuhayan showcase.

Alam niya na isang araw ay mawawala rin ang kanyang trabaho, hindi na siya magiging mabenta sa pelikula at telebisyon, kaya ngayon pa lang ay ihinahanda na niya ang kanyang kinabukasan.

May mga gay benefactor siya, magaling siyang pumili, hindi siya nakikipagrelasyon sa mga beking puro laway lang ang alam. Aksiyon ang gustung-gusto niya!

23 Nainis ang isang male singer kung bakit maraming nakikialam sa kanyang personal na buhay. Pati raw ang kanyang gender ay pinakikialaman ng mga walang magawa sa buhay.

Sabi ng isang source, “Ano ba kasi ang inaasahan niya? Machong-macho siya ang sasabihin ng mga tao sa kabibirit niya?”

24 Nakasabay sa paglipad sa alapaap ng kaligayahan ng isang businessman ang isang kilalang sexy perso­nality. Makinis ang kanyang katawan, nami­mintog ang kanyang boobs, maganda siya.

Pero sabi ng aming impormante, “May kakaiba siyang amoy. Parang malansa siya na ewan, kaya pinagtaguan na siya nu’ng madatung na businessman!”

25 Kahit naman pala nu’ng nasa high school pa lang ang isang female singer ay balitang-balita na sa kanilang school ang kakaiba niyang galaw. Tibo ang pagkakilala sa kanya ng mga kaklase niya.

Hanggang ngayon ay ganu’n pa rin ang kanyang image, lalaki ang kanyang puso, kahit pa nu’ng minsan ay na-link ang kanyang name sa isang guwapo at amoy mabangong male singer.

26 Malayang-malaya na ngayon ang isang female personality. Lahat ng mga bagay na ipinagdamot sa kanya nu’n ng mga taong nagmamahal sa kanya ay natitikman na niya ngayon.

Alam na alam na niya ang lasa ng mga food na dati’y pinanonood lang niya habang sarap na sarap na kinakain ng mga kaibigan niya. Hindi na siya naglalaway ngayon, Malaya na siyang kainin ang kahit anong gusto niya, basta hindi makasisira sa kanyang boses ‘yun.

27 Dakilang pag-ibig kung tawagin ng isang kilalang male personality ang isang aktres na laging nabibigo sa pakiki­pagrelasyon. Siya kasi ang nakauna sa female personality.

Siya ang pinakaunang lalaking nagpakilala sa female personality sa pagsayaw ng tango sa kama.

28 Sising-alipin siguro ngayon ang mommy ng isang sikat na babaeng perso­nalidad kung bakit masyado niya itong pinaghigpitan. Kung natuto lang sanang makipagkita sa gitna si mommy, sana’y hindi naganap ang ayaw niyang makita, sana’y maganda pa rin ang kanilang relas­yon hanggang ngayon.

29 May milagrong naganap sa sobrang kaku­ringan ng isang male personality. Ayon mismo sa kanyang mga kaibigan ay may zipper ang kanyang bulsa. Hindi siya basta-basta naglalabas ng pera.

Ngayon ay nakapagpatayo na siya ng isang mansiyon, kumpleto na siya sa mga pinapangarap niyang sasakyan, ang nagagawa nga naman ng kakuriputan.

30 Walang planong bawian ng isang kila­lang aktor ang pamilyang kumawawa sa kanya nu’ng mga nakaraang panahon. Ayos na siya, nagtagumpay na siya sa kanyang hangarin, maligayang-maligaya na sila ngayon ng babaeng ipinaglaban niya nang patayan.

31 May kamalditahan din ang isang magandang aktres na hindi rin suwerte sa pakikipagrelasyon. Sa set ng kanilang serye ay may sarili siyang mundo, ni hindi siya nakikisa­lamuha sa kanyang mga kapwa artista, nakakulong lang siya sa tent basta break nila.

Mas maganda ang PR ng kanyang kapatid na maraming kaibigang katrabaho, magaling itong makisama, hindi tulad ni bunso na akala mo taga ibang planeta siya.

32 Nu’ng inaasinta pa lang ng isang magandang female personality ang kanyang mga pangarap ay kumapit din siya sa patalim. Kailangan niyang buhayin ang kanyang pamilya, siya lang ang inaasahan ng mga ito, walang iba.

Kilala siya sa pagiging simple ng mayayamang negosyanteng nakalapit niya, hindi siya mapagsamantala at bilmoko, kaya sinuwerte siya sa kanyang career.

33 Gaano katotoo ang kuwentong lumulutang na para lang mabayaran ng isang kilalang male personality sa isang mahalagang obligasyon sa kanyang buhay ay humingi siya ng tulong sa isang taong napakatagal na panahon niyang pinabayaan?

‘Yun pala ang ikinagagalit ng isang female personality, ng babaeng pinag-iwanan niya sa obligasyon at responsibilidad na dapat ay siya ang tumutupad, ngayong mapapakinabangan niya na ang taong ‘yun ay super-close na sila.

34 Sa taping ng isang serye ay hindi mas­yadong nag-uusap ang isang pamosong female personality at ang kanyang direktor. Meron palang kuwento sa likod ng hindi pagiging malapit sa isa’t isa ng dalawang babae.

Nagkaroon pala ng tagong relasyon nu’n ang aktres at ang mister ng direktora. ‘Yun pala ang kuwento!

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with