^

PSN Showbiz

Regine may Dyslexia, nagpaliwanag sa RIPCoby!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Regine may Dyslexia, nagpaliwanag sa RIPCoby!
Regine

Sangkatutak ang post sa social media ng pagkalungkot sa untimely demise ng basketball superstar na si Kobe ­Bryant, kasama pa ang kanyang anak na si Gianna Bryant.

Isa si Regine sa nag-post sa kanyang Instagram account na kung saan nasa caption ang #RIPKobe.

Pero ayon sa nakuha naming balita, sa halip na napansin ang pakikiramay ni Regine Velasquez, na-bash pa ito dahil sa maling spelling niya.

Sa halip na Kobe, Coby raw ang nailagay sa caption. Kinorek naman siya pero ang iba ay may kalakip pang panlalait. Halatang nasaktan si Regine doon dahil aminado naman siyang may pagkukulang talaga siya sa spelling.

Sabi ni Regine sa kanyang Twitter account; “I always make a mistake with spelling someone name you can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind again you can correct me without making me feel bad.”

Marami naman sa mga followers ang nagbigay ng mensahe sa kanya na naintindihan nila ang pagkakamali niyang iyun.

Sabi nga ng iba, mas napansin nila ang lungkot sa pagpanaw ni Kobe ­Bryant kesa sa maling spelling.

Muling tsinek ko ang IG post na iyun ni Regine, tama na ang spelling at tinanggal na niya ang comments section.

Julia at Joshua, super isnaban pag nagkikita

Kaagad nag-trending sa You Tube ang video na kuha ng isang vlogger na kung saan nagdedmahan sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa Chinese New Year Celebration nung nakaraang Biyernes, January 24 ng gabi.

Parang sa Binondo ito ginanap na kung saan magkasabay na dumating sa venue ang dalawa.

Naunang pumasok si Julia, sumusunod sa likuran niya si Joshua pero hindi sila nag-uusap.  Mahigit dalawang minuto ang video na nakaupo si Julia, pero walang tumabi sa kanya.

Si Joshua ay nakatayo lang at hindi sila nagtitinginan man lang na dalawa.

Umiiwas ng tingin si Julia. Si Joshua naman ay nakipag­tsikahan sa ibang taong kasama nila sa backstage.

May isang babaeng sumenyas kay Joshua na umupo pero dedma lang siya.

Iyun lang ang eksena sa backstage ang nakunan, wala na kaming nakitang kuha nung nasa stage silang dalawa.

Magkasama silang nag-promote ng horror movie nilang Block Z na magsu-showing na sa Miyerkules, January 29.

Bukod sa dedmahan, meron pang unfollow sa Instagram na kuwento.

Wala lang silang magawa, kailangang i-promote ang kanilang pelikula kaya kailangan nilang magsama.

Marissa producer ng sariling Valentine show

Sumabay din sa rami ng mga Valentine show si Marissa Sanchez kasama ang lagi niyang ka-partner sa hosting na si Eric Nicolas.

Talagang nakipagbanggaan sila sa malalaking concerts, pero sure naman daw siyang naiiba itong sa kanila ni Eric dahil kuwela naman talaga silang dalawa kapag nagsama sila sa stage.

Bale second venture ito ni Marissa sa pag-produce ng concert at gusto lang daw niyang subukan ang Valentine concert bilang wala naman siyang ka-Valentine sa araw na iyun.

Nakasanayan na rin naman ni Marissa na single siya tuwing Valentine’s Day.

Happy naman daw siya kahit hindi na siya makakita ng bagong lovelife.

Nasubukan na niya noon at ang na-realize nga niya raw ay baklang-bakla siyang ma-in love dahil bigay na bigay na raw niya lahat.

Swak na swak pa ang title ng concert nilang My Fatty Valentine na gaganapin sa Km. 19 East Service Road, Sucat, Muntinlupa City sa February 14 ng alas-nuwebe ng gabi.

Hataw daw ang sayawan dito na talagang pinaghandaan nilang dalawa.

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with