Closing ceremony ng sea games inaabangan na rin
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

Owww, ilang araw na lang tapos na ang ginaganap na 30th SEA Games.

Parang kailan lang nang dumayo sa Philippine Arena para suportahan ang ating mga atleta sa pambungad na seremonya ang ating mga kababayan at tumutok ang karamihan sa live telecast  sa ABS-CBN na ayon sa Kantar Media ay nakakuha ng national TV rating na 29.2% noong Sabado (Nob­yembre 30), pinakamataas sa lahat ng prog­rama noong Sabado at Linggo na sa kanila lang napanood.

Mistulang tumigil nga noon ang mundo sa pagtutok ng buong bansa sa sayawan, kantahan, pailaw, at mga pasabog sa opening ceremony na tunay na nagbigay ng saya at aliw sa mga nakapanood. 

Una nang sinabi ni House Speaker at Philippine SEA Games Orga­nizing Committee (PHISGOC) Chair Alan Peter Cayetano sa panayam niya sa ABS-CBN News na malaking bagay ang pagpapalabas ng opening ceremony sa TV. 

 “Since hindi naman lahat makapunta doon live it’s a big big privilege and honor to have ABS-CBN cover it live so that not only can all Filipinos win as one but enjoy the opening ceremonies as one,” aniya.

As of this writing, more than 70 gold medals na ang napalunan ng ating mga atleta.

Nilahukan ang 30th South East Asian Games ng 11 bansa sa rehiyon.

At so far, live pang ipapalabas ang mga laban sa football, volleyball, at gymnastics sa ABS-CBN S+A, LIGA, at iWant, na pati pala ang closing ceremony sa Disyembre 11 ng 6:30 pm.

ABS-CBN SEA GAMES SEA GAMES ORGA­NIZING COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with