^

PSN Showbiz

Kiko, ini-enjoy ang relasyon kay Devon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kiko, ini-enjoy ang relasyon kay Devon

Kamakailan ay nagdiwang ng kanilang anibersaryo bilang magkasintahan sina Kiko Estrada at Devon Seron. Para sa aktor ay masaya lamang silang palagi ng dalaga sa tuwing magkasama. “It’s just a blessing for me, Tito Boy. Every moment with her is a blessing,” bungad ni Kiko.

Aminado rin ang binata na sumasagi na sa kanyang isipan na pakasalan na si Devon. “Yes, to be honest Tito Boy, hindi naman ako magkaka-girlfriend kung hindi ko sila nakikita sa future ko. That’s so disrespectful naman to her and I do see her in my future and I hope she’s the one,” makahulugang pahayag ng aktor.

Para kay Kiko ay na kay Devon na ang lahat ng kanyang hinahanap na katangian sa isang babae. Sa ngayon ay ini-enjoy lamang ng magkasintahan ang bawat sandali sa kanilang relas­yon. Kahit nakikita na ng aktor na si Devon ang mapapangasawa ay hindi naman daw sila nagmamadali para dito. “I don’t want to preempt anything. Enjoy the moment and I’m enjoying the moment with this wonderful woman,” giit ng binata.

Isa si Kiko sa mga cast members ng teleseryeng Pamilya Ko na magsisimula na sa ABS-CBN sa darating na Lunes.

Mayor Isko, na-weirduhan kay Maris

Kahit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon ay naging maayos nang muli ang turingan nina Maris Racal at Inigo Pascual sa isa’t isa. Matatandaang nagkaroon ng problema ang dating magkasintahan bago magtapos ang 2018. “Timing lang din po na si Inigo nasa States, ako nasa Davao. May times po na mad (ako), naka-cope up naman. Between December to March, may text na nangyari like, ‘Kamusta ka na?’ and nagre-reply naman so nagkakaroon po kami ng conversation. Nagkaroon kami ng show sa States, then do’n kami mas na­ging okay,” pagbabahagi ni Maris.

May ilang mga tagahanga ang nagtatanong kung posible pang magkabalikan ang dalawa. “Happy ako Tito Boy kung anong meron kami ngayon. Hindi po natin talaga malalaman kung ano ‘yung sure,” sagot ng aktres.

Samantala, simula September 13 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang I’m Ellenya L. na pinagbibidahan nina Maris at Iñigo. Bahagi ito ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. “I’m Ellenya L. Tito Boy, it’s about a girl na gusto niyang sumikat, maging influencer, maging vlogger. Kapag napanood mo ‘tong movie na ‘to, you can see the lives of influencers kung ano ‘yung nadi-deal nila na problems like, kapag nakuha na nila ‘yung sikat or ‘yung attention na gusto nila and ‘yung kasama no’n like bashing, cyberbullying,” paglalahad ni Maris.

May special appearance din sa nasabing proyekto sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao. “’Yung video na me and Mayor Isko, akala ng lahat na ako lang ‘yon nagpapapansin sa Mayor. Na-weirduhan siya talaga sa akin and swerte ko po kasi nando’n din pala si Senator Manny Pacquiao. Ang goal ng prod team namin, maging raw siya tingnan, na parang makakuha talaga ng content,” natatawang pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

DEVON SERON

KIKO ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with