^

PSN Showbiz

Gabby at Sharon inilusyon ng fans na magkakabalikan pa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gabby at Sharon inilusyon ng fans na magkakabalikan pa
Gabby Concepcion, Sharon Cuneta

Ewan ko kung bakit big deal pa rin sa iba kung magsasama pa ba o hindi sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa isang pelikula.

Bakit big deal pa rin kung batiin o hindi ni James Yap ng Happy Mother’s Day si Kris Aquino?

Hindi ba dapat kapag hiwalay na, cut all connections na? Bakit hindi matanggap ng ibang mga tao na hindi na puwedeng magsalubong ang landas ng mga ex-couple na celebrity?

Puwede sila na maging civil sa isa’t isa, puwede rin na maging friends kung gusto nila pero kung walang pakialaman ang type ng mga ex-couple, bakit natin pipilitin?

Hanggang ngayon, isyu ang hindi natuloy na movie nina Gabby at Sharon, ang mga ini-impose ni Kris para kina Bimby at James na kung minsan nagiging humiliating at catty na ang mga comment.

Hindi na dapat maapektuhan ng buhay nila noon ang kanilang mga buhay ngayon.

Maganda nga dahil tuluy-tuloy ang career nina Gabby at Sharon, kahit naudlot ang kanilang reunion movie.

Maganda at tahimik naman ang buhay nina James at Kris ngayon, so ang tie o knots that bind them, ihiwalay na natin.

Parang solo-solo buhay na lang, we see them as individuals, not partners dahil wala na nga, hindi na sila together at never nang  magiging together kahit sa movie, TV or whatever.

Oo nga, nagkasama sa isang television commercial sina Sharon at Gabby pero ‘yun na lang, wala nang kasunod. Period na.

Huwag na tayong mag-ilusyon pa na magsasama pa sila.The end na, wala nang Part 2 no!

GMA coverage bongga!

Ang ganda ng live coverage kahapon ng GMA 7 sa Eleksyon 2019 dahil talagang nakakalat sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas ang kanilang mga news reporter.

Nakunan ng GMA 7 ng live ang pagboto ng mga kandidato na hindi madali na gawin pero naging posible dahil sa  mga hi-tech equipment na ginamit ng Kapuso Network. May mga booth din ng Serbisyong Totoo ang GMA 7 sa mga polling precinct.

Bongga naman ang mga trivia ni Jessica Soho tungkol sa mga nagdaan na eleksyon tulad ng halalan na nangyari noong 1949.

Well-researched ang mga trivia tungkol sa eleksyon na ibinahagi ng mga news anchor ng GMA News and Public Affairs na muling pinatunayan na wala silang kinikilingan o pinoproteksyonan, serbisyong totoo lamang.

Bong maagang nakaboto

Early voters kahapon sa isang school sa Bacoor City ang mag-asawang Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado na re-electionist bilang alkadle ng naturang siyudad.

Kasama nina Lani at Bong sa pagboto ang kanilang mga anak, pati si Jolo Revilla na sure winner na bise-gobernador ng Cavite province dahil walang kalaban.

Inabangan ng mga television news reporter ang pagboto nina Bong at Lani.

Naging maingat si Bong dahil  baka makunan ng mga nakatutok na TV camera ang mga kandidato na ibinoto niya.

Isa si Bong sa mga controversial senatorial candidate kaya hinihintay ng lahat ang resulta ng pagtakbo niya.

By now, alam na natin kung nagtagumpay si Bong sa pangarap nito na makabalik sa senado pero confident ako na pabor sa kanya ang  resulta dahil maganda  ang puwesto ng pangalan  niya sa mga senatorial survey.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with