^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad suko na sa sobrang selosang live in na English nang English pag nagwawala

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Sikat na personalidad suko na   sa sobrang selosang live in  na English nang English  pag nagwawala

Kaibigan ang takbuhan

Walang suwerte sa pakikipag­relasyon ang isang sikat na male personality sa linyang kinabibilangan niya. Palagi siyang olat sa pakikipag-argumento.

?Para huwag na lang humaba pa ang usapan ay umaalis na lang siya ng bahay, nagpapalipas ng oras sa bahay ng kanyang mga kaibigan, umuuwi na lang siya kapag tahimik na ang mundo.

?Kung bakit naman kasi ang napipili niyang karelasyunin ay mga babaeng napakagaling mag-Ingles, tuloy ay nagmumukha siyang kawawa, lalo na kapag puro talak na ang naririnig niya.

?Kuwento ng aming source, “Ang akala pala niya, e, naka-survive na siya sa ex niyang masalita, pero hindi pala, dahil mas nagger pala itong huli niyang girlfriend!

?“Ang masakit pa, e, purong English ang pangna-nag sa kanya ng girl, hindi niya maintindihan ang mga sinasabi, kasi nga, di ba, hindi naman siya ganu’n ka-fluent mag-Ingles?

?“So, kapag tumatalak na ang girl, e, nananahimik na lang siya, hindi dahil sa inaamin niya na siya ang may kasalanan, kundi dahil hindi niya maidepensa ang sarili niya!

?“Agad na siyang aalis, iiwas na siya sa argumento, tatawagan niya ang mga friends niya at kung sino ang may enough time na maibibigay sa kanya, du’n siya nagpupunta!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

?Selosa pala ang kasalukuyang girlfriend ng pamosong male personality. Simple lang ito, parang walang kibo, pero kung makatalak ay parang wala nang bukas.

?“Ito naman kasing si lalaki, e, napakahilig makipagbarkada. Natural, hindi na nga naman sila nagkakasama ng girlfriend niya na nagtatrabaho rin, kaya naghahanap ng panahon ‘yung isa!

?“Natural, nauuwi ‘yun sa selos, bakit nga naman napakahilig bumarkada ng guy, meron siguro siyang iba pang pinagkakaabalahan! Kaso, hindi naman makalaban nang ratratan ang male perso­nality dahil limited lang ang English niya!

?“Mga simpleng terms lang ang alam niyang sabihin in English, hanggang du’n lang ang kaya niya, kaya palagi siyang talo sa diskusyon nila!

?“Napakawala niyang suwerte sa pakikipagrelasyon, siya rin naman kasi ang may kasalanan, mahilig kasi siya sa mga Ingliserang babae!” humahalakhak pa ring pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Tony walang karapatang magdahilan ng pagod

Mabilis na naglabas ng panghihingi ng paumanhin si Tony Labrusca sa mga officers ng Immigration na nakaengkuwentro niya. Sinsero naman ang kanyang pagso-sorry, mararamdaman ‘yun sa kanyang pag-amin sa kanyang pagkakamali, pero may ilang punto rin siyang nilinaw.

?Wala raw siyang sinabihan ng idiot at stupid, nakipag-argumento lang daw siya kung bakit tatlumpong araw lang ang ibinigay na panahon sa kanya para manatili sa Pilipinas, paglilinaw ng bruskong aktor.

?Wala namang sinabi ang mga taga-Immigration na nagbitiw siya ng mga salitang stupid at idiot, dahil kung ginawa niya ‘yun ay siguradong A to A (airport to airport) ang kanyang aabutin, hindi na siya papapasukin sa ating bansa.

?Dapat lang namang hindi niya tawaging stupid at idiot ang mga nakatalagang opisyal sa Immigration dahil sila ang nakakaalam ng mga batas sa Pilipinas na hindi alam ni Tony Labrus­ca na nagrereklamo.

?Male-maleta mang sorry ang ipaabot ngayon ni Tony ay naganap na ang lahat. Nakapanakit na siya ng kalooban ng mga opisyal ng Immigration na tumutupad lang naman sa kanilang trabaho.

?Nagpairal siya ng init ng ulo, umasta siyang parang mas mataas pa kesa sa mga opisyal na kaharap niya, dapat lang niyang tanggapin ang mga pamba-bash sa social media dahil sa kanyang ginawa.

?Ang maganda lang ay tinanggap ni Tony Labrusca ang kanyang pagkakamali, hindi na siya nagpairal ng kayabangan, dahil kitang-kita namang mali siya talaga.

?Sa susunod ay matututo na si Tony Labrusca. Dose oras lang ang biyahe mula sa Canada hanggang dito. Hindi sapat na katwiran ‘yun para sabihing pagod lang siya nang makipagtaltalan sa mga opisyal ng Immigration.

?May mga artistang kalalapag pa lang sa NAIA ay tumatakbo na agad sa kanilang shooting o taping, pero hindi naman nila idinadahilan ang pagod sa flight, hindi namin bibilhin ang dahilan ni Tony Labrusca.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with