^

PSN Showbiz

Mayamang actor pinahihirapan ang mga katrabaho Porke ‘di importante ang datung

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Problemado at iritang-irita na ang buong production staff dito kay ma­yamang aktor dahil sa attitude nito sa taping.

Hindi raw nila alam kung likas na mahirap talaga siyang katrabaho o di na lang niya talaga type na magtrabaho sa TV network na iyun?

Matagal na kasi siyang pinag-uusapan na mahirap talaga siyang katrabaho sa dati niyang soap. Ngayong may sinisimulan na naman siyang bagong soap, ganun pa rin daw ang ugali niya.

Kamakailan lang, sumakit ang ulo ng production staff dito nga kay mayamang aktor dahil sa calltime daw niyang alas-kuwatro nang hapon, dumating ito ng alas-diyes ng gabi.

Mainit pa raw ang ulo nang dumating sa set, na hindi man lang daw nag-sorry sa mga co-actors at staff na pinaghintay niya.

Lalong sumakit ang ulo ng production staff nang pinilit pa rin daw ni aktor na sundin ang napagkasunduang cut-off na alas-dose nang hatanggabi.

Ini-expect kasi nilang late naman ito duma­ting, dapat na ma-extend siya sa set.

Ang pagkaaalam ko, 12 sequences ang gagawin niya nung araw na iyun at dapat niyang tapusin. Pero dalawa lang daw ang nagawa dahil kailangan daw umalis siya ng 12 midnight base sa napagkasunduang cut-off. Kaya nakadalawang sequence lang daw ito na halos iiyak nang husto ng kanilang executive producer.

Palibhasa madatung si aktor, na mabubuhay naman siya kahit walang trabahong ibigay sa kanya, wala raw siyang pakialam kung tatapusin agad siya sa soap na iyun.

Masaya pa kaya itong si aktor sa network na nilipatan niya? Baka kasi type lang niyang balikan ang dating network dahil nandun na ang ka-loveteam niya? Duda lang namin yan. Kasi maayos naman daw ang trato sa kanya sa network na pinagtatrabahuan niya ngayon pero iyun pa rin ang attitude na ipinapakita niya.

 Catriona umaming nahirapan sa paglakad

Nagpupuyos sa galit ang mga supporter ng pambato natin sa Miss Universe na si Catriona Gray dahil sa mga nanlalait sa national costume na inirampa niya sa nakaraang pre-pageant ng Ms. Universe.

Marami ang pumuri sa konsepto ng costume na tinawag niyang Luzviminda.

Kapansin-pansin ngang hirap si Catriona sa pagrampa dahil sa mabigat na parol sa likod nito na hila-hila niya. Dapat ay umilaw pa ‘yun, pero nagkaroon ng technical glitch, hindi niya ito napailaw.

Ipinaliwanag ni Catriona sa kanyang Instagram account kung ano talaga ang nangyari sa costume niya.

 Bago raw siya lumabas, nag-test pa raw at umilaw naman. Pero nung nasa stage na siya, hindi na ito nangyari. Baka raw nagkaroon ng sira nang ibiniyahe na nila ito pa-Thailand.

“I’m really, really sad about it ‘coz I would have loved to show the full effect of what my team—with their time and effort—that we really went over mountains just to try and get the light and the synchronization of the light within the parol.

“But regardless, I just want you guys to know that it was a little bit of a technical mishap.

“I just wanted to show the Filipino artistry and all the inspiration that I took from our country in the national costume,” sabi ni Catriona sa kanyang IG live.

Inamin din ni Catriona na nahirapan talaga siyang rumampa sa stage dahil carpeted ito. Nahirapan siyang hatakin ang parol sa likod na may gulong. Kaya kitang-kita na tila bigat na bigat siya sa pagrampa.

 Kaya matindi ang reaksyon ng mga supporters nito dahil sa may mga nanlait pa rin dahil hindi sila natuwa sa performance na yun ni Catriona sa naturang segment.

Sabi ng ibang supporters nito, huwag naman daw sanang maging utak talangka na sa halip na purihin at suportahan ang ating kandidata, lalo pang pinababa.

Sana nga itodo na lang ang suporta natin kay Catriona na lalaban sa Miss Universe sa darating na Lunes, December 17.

Friendship ng PR extended!

Bukas ay matatapos na ang Pamilya Roces at kahit hindi sila na-extend, extended naman ang friendship ng buong cast na nabuo sa araw-araw nilang taping.

Akala namin, dahil sa takot nila kay direk Joel Lamangan kaya kailangan nilang ayusin ang trabaho nila sa set at baka matilian sila ni direk.

Sabi naman ni Carla Abellana, “Hindi naman po ako takot kay direk Joel dahil sanay na sanay na po akong katrabaho siya.

“Ensemble cast po kami. Madalas po kapag marami, mas masaya. Isa rin pong reason is because may mga grupo na magkaka-edad po kaya nagkakasundo po talaga sa mga hilig at interes.”

Aminado naman si Rocco na may takot daw talaga sila kay direk Joel, kaya maayos sila sa taping, at naging close silang lahat.

Pero thankful ang sina Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz at iba pang younger cast dahil marami raw silang natutunan dito sa Pamilya Roces.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with