^

PSN Showbiz

Marc nakapag-selfie at video matapos ang bugbugan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marc nakapag-selfie at video  matapos ang bugbugan

Hindi sumali si Marc Pingris sa bugbugan ng kanyang teammates at ng members ng Australia Boomers sa FIBA World Cup qualifier sa Philippine Arena noong Lunes pero headline rin siya ng mga balita dahil sa kanyang groufie shot at video, ilang minuto matapos ang bakbakan.

May mga nairita sa ginawa ni Marc pero mas marami ang natuwa dahil pinagaan niya ang isang mabigat na sitwasyon na punumpuno ng tension.

Sa totoo lang, natural comedian si Marc kaya mara­mi ang humahanga at naaaliw sa kanya. Ima­gine, sa gitna ng kaguluhan, ang mister lang ni Danica Sotto ang nakaalala na magpakuha ng picture, kasama ang mga starring sa pakikipagsuntukan at nakapag-video with matching dialogue na “Hindi n’yo kami kaya boy!”

Patricia hoping na ibabalik ang kuwintas na ninakaw

Lumipat na si Patricia Javier at ang kanyang pamilya sa bagong bahay na kanilang binili na magiging permanent home nila sa Pilipinas.

Magiging busy si Patricia sa pag-aayos ng bahay at makakatulong ito para mabawasan ang stress na nararamdaman niya dahil sa valuables na ninakaw sa kanyang sasakyan na nakaparada sa isang lugar sa Antipolo City noong Linggo nang gabi.

Traumatic ang karanasan ni Patricia dahil na­ging biktima siya ng basag-kotse sa kanyang sariling bayan.

Dobleng pang-iingat ang dapat gawin ni Patricia na nagpapasalamat dahil hindi siya sinaktan ng mga criminal.

Blessing in disguise na hindi naabutan ni Patricia ang mga magnanakaw nang mag-alarm ang sasakyan na agad na pinuntahan niya or else, baka iba ang maging scenario.

Hoping si Patricia na maibabalik sa kanya ang kuwintas na initials niya na PJ ang pendant na diamond-studded.

Ang pagkakaroon ng sentimental value ng kuwintas ang numero uno na dahilan kaya nananawagan si Patricia na ibalik sa kanya ang ninakaw na alahas.

May feeling ako na ang tipo ni Patricia ang magbibigay ng pabuya at hindi na magtatanong sa sinuman na makapagbabalik ng kuwintas.

Fake news ni John Lloyd wake up call sa mga ‘nag-iimbento’

Malakas ang impact ng Instagram post ni John Lloyd Cruz tungkol sa balita ng isang broadsheet (hindi ang Philippine Star) na nagsilang ng baby boy ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna at pinabinyagan na ang bagets sa ospital.

“F… fake news” ang Instagram post ni John Lloyd na intense ang reaksyon dahil sila lamang ni Ellen ang nakakaalam sa the truth and nothing but.

In fairness, hindi rude ang reaksyon ni John Lloyd sa picture nila ni Ellen na kuha sa isang ospital na ipinadala sa akin ng isang follower at lumabas sa Instagram.

Hindi naman kasi ka-deny-deny ang picture na ibinahagi sa akin ng IG follower dahil malinaw ang kuha kaya very clear na sina John Lloyd at Ellen ang starring sa litrato.

Ang claim ni John Lloyd na fake news ang impormasyon ang wake up call sa lahat na mag-imbestiga muna na mabuti bago maglabas ng balita at huwag umasa sa mga kuwento ng mga nagpapakilala na reliable source.

Sa panahon ngayon ng social media, napakadali na i-verify kung kasinunga­lingan o katotohanan ang mga balita na nababasa at naririnig natin.

Walang masama kung maghihintay tayo sa tamang panahon dahil lilitaw din ang totoo at matibay na ebidensya ang paglabas ng picture ni Ellen na kuha sa Amanpulo at halatang-halata na malaki ang tiyan niya na nagpatotoo sa mga haka-haka na magiging magulang na sila ni John Lloyd.

vuukle comment

AUSTRALIA BOOMERS

FIBA WORLD CUP

MARC PINGRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with