Di maisip kung bakit, dating sexy actress ayaw tantanan ng paninira ng sariling anak
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2018 - 12:00am

PIK: Sina Dennis Trillo at Migo A­decer ang kaagad nakapalagayan ng loob ni Jason Abalos nung mga ­unang araw ng taping niya sa first project niya sa GMA 7 na The One That Got Away.

“Lahat kasi na katrabaho ko bagong mukha lahat, kaya dun lang ako medyo naninibago. Pero ngayon medyo nakaka-adjust naman. Mababait naman ang mga tao dito,” pakli ni Jason nang humarap na ito sa press nung nakaraang presscon ng The One That Got Away na magsisimula na sa GMA Telebabad sa January 15.

Nagpapasalamat naman siya dahil ipinaramdam naman daw sa kanya na welcome na welcome siya sa Kapuso network.

Very positive naman daw siya na maganda ang pasok ng 2018 sa kanya ngayong isa na siyang lehitimong Kapuso.

“Ipinagkatiwala ko naman po sa Artist Center ang takbo ng career ko,” dagdag na pahayag ni Jason.

PAK: Masamang-masama ang loob ng da­ting sexy actress na nagsusumbong sa ilang kaibigan sa showbiz dahil sa pambabastos sa kanya ng sariling anak.

Nagkaroon na sila ng ma­tinding away noon na lu­mabas pa nga sa ilang talk shows, at magmula nun ay wala na silang komunikas­yon at hindi na nagkikita.

Pinilit na lang ng dating sexy actress na kalimutan ang anak niyang minahal niya nang husto. Pero ka­ma­kailan lang ay nagpa­ram­dam na naman daw ito sa kanya at kung anu-ano raw ang mga tini-text.

Lalong ikinasama niya ng loob na pati raw ang mga dati niyang trabaho, kung saan ito nanggaling ay binubuhay daw nitong anak niya na tila ikinahihiya pa siya. Iyung dati niyang trabaho ang bumuhay naman daw sa anak niya, bakit daw ganun na lang daw ang sinasabi nito.

Hanggang ngayon ay hindi raw niya maisip kung saan daw siya nagkulang, lalo na’t mabait naman daw siya sa kanyang ina, bakit daw hindi pa rin siya tinitigilan nang pambabastos na sariling anak.

Wala na raw siyang malabasan ng sama ng loob kaya ibinubuhos na lang niya ang sama ng loob sa ilang kaibigan sa showbiz.

BOOM: Pagkatapos lumabas ang balitang nahuli ang miyembro ng grupong Masculados na si Robin Robel, naglabas ng statement ang ma­nager niyang si direk Maryo J. delos Reyes bilang pagtatanggol sa grupo na nabahiran na rin ng isyung droga.

Narito ang kabuuan ng statement ni direk Maryo na may-ari ng Production 56, Inc, na nagma-manage ng grupong Masculados.

“It is most unfortunate that due to a recent news event  which involves the apprehension for illegal possession of prohibitive drugs of Mr. Robin Villamayor Robel, an original member of the all-male song and dance group, The Masculados, the group has been collectively wrongly accused and maligned.

“Though they may be professionally responsible for one another, the other official members of Masculados: Enrico Mofar, David Karell, Nico Cordova and Orlando Sol decrythe situation. They pray to uphold that the wrong doing of one is not the wrong doing of the other, ‘Ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro.’ And therefore, they appeal for your understanding.

“We pray that the case of Mr. Robel will soon be resolved and the group’s management, Production 56, Inc. and other members continue to uphold faith in God, search for truth, good morals and the rule of law. Thank you.”

 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with