^

PSN Showbiz

Mama’s Girl at dalawang mrs. reyes salpukan sa sinehan! ; Lovi ginagalit ang mga nagiging ex!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Mas gusto ni Lovi Poe na kinamumuhian siya ng kanyang mga ex-boyfriend na hinihiwalayan niya para maging madali ang closure ng relasyon nila.

SCENE: Dalawang Jason na ex-talents ng ABS-CBN ang mapapanood sa The One That Got Away ng GMA 7, sina Jason Abalos at Jason Francisco.

SEEN: Naririto sa Pilipinas ang Korean boy group na SF9 para sa kanilang Be My Fantasy concert ngayong gabi sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino. May suot na face mask ang mga member ng SF9 nang dumating sila kahapon sa Ninoy Aquino International Airport.

SCENE: Tiniyak ni Senator JV Ejercito na isa lamang sa kanila ng kanyang half-brother na si Jinggoy Estrada ang kakandidato na senador sa 2019.

SEEN: Ipalalabas sa mga sinehan sa Milan (The Space Cinema Duomo) at Rome (The Space Cinema Medrano) sa January 14 at sa Madrid (Centro Comercial La Vaguada) January 14; Barcelona (Cinema Comedia) January 7; Vienna, Austria (Hollywood Megaplex Gasometer) January 13 and January 14, ang Ang Panday ni Coco Martin.

SCENE: Ang Mama’s Girl ng Regal Entertainment, Inc. at Ang Dalawang Mrs. Reyes ng Star Cinema ang mga Tagalog movie na magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa January 17.

SEEN: Natakot si Vice Ganda sa malakas na lindol na naranasan niya sa San Francisco, California noong Huwebes. Ramdam na ramdam ni Vice ang malakas na pagyugyog ng kanyang kama dahil sa 4.5 magnitude earthquake na tumama sa San Francisco Bay area.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with