^

PSN Showbiz

Bianca pinatunayang Queen of lodi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May challenge sa Kambal, Karibal cast na ipinalabas sa official Facebook page ng GMA Drama kung saan kailangan nilang sabihin ang tunay na kahulugan ng mga binaliktad na salita gaya ng nauusong “petmalu” at “lodi.”

Nagpakitang-gilas si Bianca Umali dahil siya lang ang nakakuha ng lahat ng tamang sagot sa challenge! Maging ang mga kapwa niya millennials ay talbog sa galing niya sa mga salitang ito.

Nakakaaliw dahil bukod sa perfect score, wala siyang pass at napakabilis niyang sumagot. Petmalu ka, Bianca!

Kyline na-starstruck kay Gloria Romero

Happy and overwhelmed si Kyline Alcantara sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso Network. Hindi niya inakala na siya ang makukuha bilang kontrabida sa pinakabagong teleserye na Kambal, Karibal matapos siyang mag-audition para rito.

Ito ang kanyang unang proyekto sa GMA kaya naman na-starstruck daw siya sa mga nakasama niyang bigating artista rito lalo na sa bete­ranang aktres na si Gloria Romero. Kuwento ng dalaga, “Parang wow siya, oh my gosh makaka-work ko ang isang batikang artista. Actually lahat naman po sila. Pero po dun po ako pinaka na-starstruck kay Tita Gloria Romero.”

Marami na rin ang nag-aabang kay Kyline sa GMA Primetime series bilang si Cheska, ang ex-girlfriend ni Diego na gagampanan naman ni Miguel Tanfelix.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with