^

PSN Showbiz

Vice hindi na iniisip ang kita sa pelikula! Daniel ibinuko ang sorpresa ni Kathryn

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi na conscious si Vice Ganda sa box-office gross ng mga pelikula nito dahil mas mahalaga ngayon sa kanya ang quality ng mga movie project niya.

SCENE: Walang timing sa comedy si Pia Wurtz­bach, ayon kay Joyce Bernal, ang direktor ng Gandarrapiddo: The Revenger Squad. Nag-work sa pelikula ang kawalan ng timing ni Pia dahil nakatulong ito para maging katawa-tawa ang mga eksena nila ni Vice Ganda.

SEEN: Kulang sa energy si Mariel de Leon nang magsayaw siya kahapon sa ASAP. Mas masigla pa ang pagsasayaw ng mga bata na kasama ni Mariel sa pelikula na ipino-promote nila, ang Ang Panday, ang entry ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

SCENE: Acting na acting ang pagkanta ni Jake Zyrus sa song number nila nina Sarah Geronimo at KZ Tandingan sa ASAP pero nabigo pa rin siya na sapawan ang magagaling na singer.

SEEN: Ang word of mouth na worth watching ang Smaller and Smaller Circles dahil maganda ang pelikula nina Sid Lucero, Nonie Buencamino, at Christopher de Leon na binigyan ng R-13 classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

SCENE: Ngayon ang Christian wedding nina Max Collins at Pancho Magno sa isang hotel. Ilan sa principal sponsors sina Atty. Felipe Gozon, Senator Manny at Jinkee Pacquiao, Ben Chan, Maryo J. delos Reyes, Mark Reyes, at Mrs. Lily Monteverde.

SEEN: Ang pagbubuko ni Daniel Padilla na may cameo role sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo. Co-star ni Daniel sa The Revenger Squad ang kanyang nanay na si Karla Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with