^

PSN Showbiz

Singer-actress hindi kinayang makipagtanan sa BF!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May matinding problemang pinagdadaanan ngayon ang isang pamosong female personality. Para siyang nakaipit sa dalawang nag-uumpugang bato. Wala siyang pamimilian at puwedeng kampihan dahil parehong mahalaga sa kanyang buhay ang mga nagkakaroon ng hidwaan.

Pinahahalagahan ng kilalang female personality ang punto ng magkabilang panig. Meron silang katwiran. Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang mga taong mahal niya.

Pero ipit na ipit siya, hindi niya na malaman ngayon ang kanyang gagawin, naaapektuhan na pati ang kanyang trabaho dahil sa problemang bumabagabag sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nakakaawa naman ang girl. Habampanahon na nga siyang nagtrabaho na parang kalabaw para sa pamilya niya, pero ang kailangan niyang personal, e, hindi pa maibigay nang one hundred percent sa kanya.

“May kulang pa ba sa mga ginawa niya? Aba, kung naiba-iba lang ang batang ‘yun, e, matagal na siguro siyang nagrebelde! Lalo na sa takbo ng panahon ngayon, naku, siguradong wala nang magiging pakinabang sa kanya ang family niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Tanggap na ng kanyang mga magulang ang pakikipagrelasyon niya. Pero sa likod nu’n ay napakarami pa ring pagdududang naglalaro sa utak ng pamilya ng singer-actress.

“May kakampi naman siya sa family nila, may sister siya na nakakaintindi sa position niya. Naaawa nga sa kanya ang mga kamag-anak nila, dahil ‘yun na lang naman ang maibibigay nilang pakonsuwelo sa girl, pero ayaw pa nilang ibigay?

“Sa tagal ng panahon na nagtatrabaho siya, napakasama na ba niyang anak kung humiling siya ng freedom? E, hindi naman siya nagwawala, nasa tamang huwisyo siya, gusto lang niyang mamuhay nang hiwalay sa family niya.

“Wala namang magbabago sa set-up, hindi niya naman sosolohin ang kinikita niya, sa family pa rin niya ‘yun mauuwi tulad nang dati. Masama ba ‘yun?

“Sana naman, e, pagbigyan na siya ng family niya. May sarili rin siyang buhay at mga pangarap. Ayaw nilang pumayag, nagagalit sila sa boyfriend ng girl, siya raw ang nagtuturo sa girlfriend niya na bumukod na!

“Kung gugustuhin lang ng girl, e, ‘di nu’n pa sana siya nakipagtanan sa boyfriend niya dahil sa sobrang paghihigpit sa kanya, pero ginawa ba niya ‘yun?

“Saradung-sarado ang utak ng family niya pagdating sa personal happiness niya. Saradung-sarado, kaya nakakaawa talaga ang girl na ‘yun!” madiin pang pagtatapos ng aming impormante na abot hanggang sa kisame ang pagtataas ng kilay.

Ubos!

John Lloyd bingi sa mga payo pagdating kay Ellen

Sa panahong ito ay walang makababaklas kay John Lloyd Cruz sa kaligayahang pinagsasaluhan nila ni Ellen Adarna. Sinadya mang mas mataas ang utak kesa sa puso ay ibang klaseng umatake ang pag-ibig.

Matindi ang tama ng pana ni Kupido na umasinta sa puso ng magaling na aktor. Sapul na sapul siya sa pinakasentro ng kanyang puso. Nakatanim ang mahiwagang sibat ng pag-ibig sa buo niyang pagkatao ngayon kaya hindi siya makakakalas kay Ellen Adarna sa ayaw at sa gusto ng kahit sino d’yan.

Lulong na lulong si JLC kay Ellen sa ngayon. Kahit siguro harangan pa siya ng kahit sino ay wala siyang pakikinggan para humiwalay kay Ellen. Ibang magdikta ang puso. Tatablahin nu’n ang kahit sino sa ngalan ng kaligayahan.

Sa tanong ng marami sa amin kung ano ba ang meron si Ellen Adarna na napakalakas mang-imbita ng kalalakihan ay hindi rin namin alam. Maaaring may katangian ito na hindi kayang tanggihan-iwasan ng kahit sinong lalaki.

Puwedeng magaling itong maglambing, puwede ring masarap kausap ang dalaga, puwede ring meron itong kahusayan sa isang aspeto na wala sa ibang babae. Maraming dahilan ‘yun na hindi natin nakikita pero alam ni Ellen Adarna para mapaibig nito ang kahit sinong anak ni Adan.

Kaya i-bash man nang i-bash ngayon si JLC ay walang magiging saysay ‘yun, wala siyang pakikinggan, mas paiiralin pa rin ng magaling na aktor ang dikta ng kanyang puso.

At may nanalo na ba sa labanan ng puso? ‘Yun ang pinakamahirap na kalaban. Kapag puso na ang nagsalita ay nakikinig ang lahat ng nagmamahal.

Napakahaba naman ng buhok ni Ellen Adarna! Sumasayad ‘yun sa lupa!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with