^

PSN Showbiz

Jamie Rivera parang hindi pa 30 years sa pagkanta!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Jamie Rivera parang hindi pa 30 years sa pagkanta!

Jamie Rivera

Ang dating OctoArts International hit maker and Inspirational Diva na si Jamie Rivera ay nakatakdang magkaroon ng major concert on September 8, 2017, 8 p.m. sa Music Museum na pinamagatang Hey It’s Me, Jamie! 30 Years The Concert.

Ito’y nakatakdang idirek ng singer-stage director na si Paolo Valenciano, ang panganay na anak ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangi­linan-Valenciano.

Jamie who is Mary Jane Cruz-Mendoza in real life was brought to us noon by a common friend na Gina Calaguas at personal naman namin siyang ipi­nakilala kay Boss Orly who immediately listened to her song. Agad pinapirma si Jamie ng recording contract with OctoArts at kasunod na rito ang kanyang recording ng kanyang first hit song, ang I’ve Fallen For You at sarili niyang version ng Love Me Again na unang ini-record sa OctoArts ni Regine Velasquez. Nang lumabas ang second single ni Jamie na pina­magatang Hey, It’s Me, naging major hit ito at siyang naging signature hit niya since then.

Bago i-record ni Jamie ang kanyang unang single at album na Jamie at Her Best, nagtulong kami ni Boss Orly sa pagbigay ng kanyang screen name dahil napakarami na ng Cruz sa entertainment bu­si­ness. Ang inyong lingkod ang nagbigay ng pa­nga­la­ng Jamie (hango sa pangalan ng Hollywood actress na Jamie Lee Curtis) na malapit sa kanyang palayaw na Jane at si Boss Orly naman ang nagbigay ng Rivera na kinuha naman niya sa apelyido ni Charlie  Rivera (Carlos Javier Rivera Masso) ng Menudo na sobrang mainit nung taon na `yon.

Si Jamie ay gumanap din sa papel na Kim sa Miss Saigon sa West End London na unang ginampanan at pinagbidahan ni Lea Salonga at pagbalik niya nag-focus na siya sa mga inspirational songs kung saan siya mas kilala ngayon.

Samantala, makakasama ni Jamie sa kanyang upcoming concert as special guest performers sina Jona, Klarisse, Bailey May, Janella Salvador, Pinky Amador, Ito Rapadas, Jenine Desiderio, Bimbo Cerrudo, Jason and Joshua Zamora.

The Golden Girl is married to businessman JB Mendoza at meron silang isang anak, si Reine Mendoza now 21 years old.

Bimby kawawa sa bangayang Kris at James

Saan kaya hahantong ang bagong bangayan ngayon sa social media ng dating couple na sina Kris Aquino at James Yap na ang naiipit ay ang ten-year-old son nilang si Bimby Aquino-Yap. Ito’y nag-ugat lamang sa pag-grant ng interview sa media ng sikat na basketball player at pag-amin nitong walong buwan na silang hindi nagkikita ni Bimby at pagsasabi ring hindi siya gusto ng kanyang anak.

Hindi naman kaya la­long mapalayo ang loob ni Bimby sa kanyang ama dahil sa sigalot ngayon ng kanyang estranged pa­rents?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Kuya Germs tiyak na maligaya para kina Jak at Barbie

Tapos na ang TV series na Meant To Be ng GMA na pinagbidahan ni Barbie Forteza kasama ang kanyang apat na young leading men na sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner. Sa apat, kay Jak Roberto niya (Barbie) ipinagkatiwala ang kanyang puso.

Mukhang burado na sa puso ni Barbie ang kanyang ex-boyfriend na si Kiko Estrada dahil si Jak ang muling nagpapasaya sa kanya ngayon.

Si Jak ay kapatid ng isa pang Kapuso star na si Sanya Lopez.  Ang magkapatid ay parehong naging alaga ng yumaong star-builder na si German “Kuya Germs” Moreno sa kanyang dating late night variety show na Walang Tulugan with the Master Showman.

Kung nasaan man ngayon si Kuya Germs, tiyak na masaya ito dahil patuloy na gumaganda ang takbo ng career ng ilan sa kanyang mga huling tinulungang young talents.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with