^

PSN Showbiz

Song Joong-ki susunod na? Korean actor na kontrabida sa Descendants… nasa ‘Pinas din

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nabulabog ang mga empleyado ng GMA 7 dahil dumalaw kahapon sa Kapuso Network si David Lee McInnis, ang German-Korean actor na umapir sa Descendants of the Sun.

Sikat na Koreanovela na ipinalabas sa GMA 7 ang Descendants of the Sun kaya popular sa mga Pilipino si Captain David Argus, ang karakter ni David sa show na pinagbidahan ng favorite actor ko na si Song Joong-ki at ng future wife nito na si Song Hye-ko.

Sinamantala ng GMA 7 employees ang pagkakataon dahil nagpa-picture sila na kasama si David.

Mabait at accommodating si David kaya hoping ang GMA 7 fans na mapapanood siya sa mga coming soon na teleserye ng Kapuso Network.

Wish ko naman na pagkatapos bumisita ni David sa bakuran ng GMA 7, si Song Joong-ki naman ang dadalaw sa television network na naghatid sa mga Pinoy ng kanyang top rating show, ang Descendants of the Sun.

Edu at Luis kauna-unahang mag-amang pinarangalan ng People Asia

Congrats sa father-and-son team nina Edu Manzano at Luis Manzano dahil sa parangal sa kanila ng People Asia noong Martes ng gabi.

Kasali sina Papa Edu at Luis sa Men Who Matter for 2017 ng People Asia magazine. Gumawa ng kasaysayan ang mag-ama dahil first time na may pinarangalan na father-and-son ang prestigious magazine. Personal na nagpasalamat si Luis sa People Asia dahil malaking karangalan sa kanya ang award na natanggap nila ng tatay niya.

“Thank you very much People Asia for considering me as one of your Men Who Matter for 2017. Just being on the same stage with other successful gentlemen was an achievement on its own.

“What an honor too that @realedumanzano and I are the first father-son to receive this award,” ang thank you message ni Luis na hindi rin nakalimutan na pasalamatan ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Siyempre, nag-thank you rin si Papa Edu sa People Asia dahil sa parangal na natanggap nila ng kanyang anak.

“Congratulations Luis Manzano for being selected one of Men Who Matter 2017. That makes us the 1st Father and Son to be given the award. Thanks again People Asia,” ang sabi ni Papa Edu.

Nanette naglaan ng oras sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa giyera

Habang nagaganap ang event ng People Asia noong Tuesday night, pinararangalan din sa Malacañang Pa­lace ang mga sundalo natin na nagbuwis ng buhay sa giyera sa Marawi City. Invited sa event si Nanette Medved-Po na active sa mga charity work kaya bilib na bilib sa kanya si Jomar Ang, ang anak ng business tycoon na si Ramon Ang. Nag-congratulate si Nanette sa Go Negosyo Kapatid for Marawi event dahil tagumpay ito.

“Congratulations on a successful Go Negosyo Kapatid for Marawi event tonight at Malacañang where the families of the fallen were honored,” ang pahayag ni Nanette na nakakabilib ang pagiging philantrophist dahil nagagawa pa niya na tumulong sa mga nangangailangan, kahit tutok siya sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanyang asawa at mga anak.

Derek maaksyon ang pagbabalik

Sa August 20 pa ang airing sa TV5 ng Amo, ang mini-series na pinagbibidahan ni Derek Ramsay. Maaga lang na nagpatawag ng presscon ang Kapatid Network para ma-promote nang husto ang bagong TV show ng aktor.

Matagal nang hindi napapanood si Derek sa TV kaya asking ang fans niya tungkol sa kanyang bagong project na punumpuno ng action. Nagpapasalamat si Derek sa TV5 dahil malapit sa puso niya ang mga television assignment na ibinibigay sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with