^

PSN Showbiz

Joshua umaming iba na kaysa dati ang relasyon kay Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napababalitang nagkakamabutihan na raw talaga ngayon sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Unang nagkatambal ang dalawa sa pelikulang Vince & Kath & James noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 at mula noon ay naging malapit na sa isa’t isa sina Julia at Joshua.

“Mas open na talaga kami ngayon sa isa’t isa. Nagkakasabihan na talaga ng problema. Ibang-iba kaysa dati, pero wala pang ‘kami’ kasi siyempre kailangan ko munang paghirapan ‘yun. Kailangan ko munang ligawan si Julia,” makahulugang pahayag ni Joshua.

Abala si Julia sa teleseryeng A Love To Last na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Bukod sa nasabing serye ay isang bagong pelikula na rin ang pinaghahandaan nina Julia at Joshua ngayon. “Malapit na kaming mag-start, siguro next week, pero mauuna magsimula si Julia sa akin. Actually kami lang dalawa pa ‘yung na-cast sa movie pero siyempre may mga magulang kami doon, may mga friends kami. Hindi pa pwede i-reveal,” pagbabahagi ni Joshua.

Kabilang din ang aktor sa teleseryeng Kung Kailangan Mo Ako na pagbibidahan nila nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Tommy ayaw nang kausapin si Miho

Noong isang buwan ay nagkahiwalay na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida bilang magka­sintahan. Ayon kay Tommy ay naputol na raw talaga ang komunikasyon nila ni Miho upang mas madali silang maka-move on.

“The bigger the relationship, the bigger love you had for each other, the harder it is to move on,” bungad ni Tommy.

Para sa binata ay mahaba-haba ring proseso ang kinakailangang pagdaanan upang maka-move on mula sa naging relasyon nila ni Miho. “It’s a process talaga. Kailangan mo to go through the emotions. Just take your time, reinvest in yourself, spend time with family,” nakangiting pahayag ng binata.

May isang bagay daw na natutunan si Tommy dahil sa pakikipagrelasyon kay Miho. “You can’t expect happiness from other people because you should find it in yourself first,” giit ni Tommy.

Maraming naging tagahanga ang tambalan nina Tommy at Miho na mas kilala sa tawag na ToMiho. Nagkakilala ang dalawa sa loob ng Pinoy Big Brother house noong 2015. “Sa mga supporters at sa mga bashers at ‘yung mga in between, I’m thankful for you guys no matter what. I wish the best for all of you, for Miho, for all our careers and just happy 2017,” pagtatapos ni Tommy.

Huling nagkatambal ang dalawa sa teleseryeng Langit Lupa na nagtapos kamakailan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with