^

PSN Showbiz

Sikat na female personality naunahan ng bakla sa napangasawa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mabigat pala ang loob ng isang sikat na female personality sa isang kilalang komedyante-TV host. Kapag pinag-uusapan ang komedyante ay deadma-to-the-max lang ang babaeng personalidad. Wala siyang panahon.

May matinding dahilan naman pala kung bakit mabigat ang loob ng sikat na female personality sa komedyante, nalaman niya kasi ang kuwento na ito pala ang nakauna sa isang male personality na minahal niya, magmamano pala siya sa komedyante kung tutuusin.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo naman ang pinagdaanan ni ____(ang male personality na naging karelasyon ng sikat na babaeng personalidad), ‘di ba? Wala siyang pera nu’ng nag-uumpisa pa lang siya sa career niya, kaya tulad ng mga kasamahan niyang boylet, e, suma-sideline sila sa mga bading!

“E, nagkataon na ibinigay ng Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw) kay ____(pangalang ng gay personality) ang lalaki, kaya magiging choosy pa ba naman siya, e, matangkad ang guy, saka may hitsura naman!

“Naging regular canteener ng beki ang male personality, siya ang bumibili ng mga pangangailangan ng guy, matagal din silang nagkachurvahan,” simulang kuwento ng aming impormante.

Kinasihan ng kapalaran ang male personality, sumikat ito sa larangang tinitilian ng mga kalalakihan at kababaihan, hanggang sa magkakilala na nga sila ng sikat na female personality.

“Napahiya kasi ang girl, wala kasi siyang kaalam-alam na matagal palang naging karelasyon ng gay comedian ang dyowa niya. ‘Yun ang dahilan kung bakit inis na inis siya sa gay comemdian-TV host.

“Mainit ang dugo niya sa bakla! Mahilig siyang makipagkaibigan sa mga beki, pero sa isang ‘yun, e, talagang iwas na iwas siya. Paano nga, mas nauna pa palang nakarelasyon ng dyowa niya ang beking bumili pa ng unang sapatos ng dyowa niya!

“Ano naman ang kasalanan ng beki du’n? Kasalanan ba niya na ibinigay ng Boogie Wonderland sa kanya ang sikat nang personality ngayon sa hardcourt?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga nakalaban ni Cesar naduwag?!

Maituturing na nakasandal sa pader si Cesar Montano sa kontrobersiyang kinapapalooban niya ngayon. Napakaraming isyung ibinato laban sa kanya ang mismong mga kaopisina niya sa Tourism Promotions Board pero mukhang maling sigaw ‘yun dahil sinusuportahan si Buboy ng ating pangulo.

Diretsong nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito naniniwala sa mga upak kay Cesar dahil buung-buo ang kanyang tiwala sa aktor.

Ibig sabihin nu’n ay nagsayang lang ng pagod at laway ang mga nagbalangkas ng pagkontra kay Cesar bilang COO ng TPB. Anuman ang sabihin ngayon ng grupong naglantad ng mga diumano’y anomalyang kinasasangkutan ni Cesar sa opisina ay walang saysay, walang basehan at imbento lamang ang lahat ng bintang na ikinulapol laban sa kanya.

Sarado na ngayon ang kuwentong hindi naman nagtatrabaho ang aktor bilang COO, gitara lang daw siya nang gitara sa kanyang opisina, lalo na ang kuwentong puro kamag-anak niya at mga kaibigan ang binigyan niya ng puwesto sa TPB.

Ang mali namang hakbang na ginawa ng grupong kumakalaban kay Cesar Montano ay nagtago sila sa dilim, ni isang pangalan ay hindi lumutang sa ipinakalat nilang dokumento, namamana tuloy sa dilim ang aktor kung sinu-sino ang mga nakikipagngitian sa kanya sa ahensiya pero sa talikuran pala ay puro kalaban niya naman.

Kung magrereklamo ay kailangang kita ang ulo. Kailangang may pangalan at pirma ang mga nag-aangat ng sumbong. Kapag wala ‘yun ay isa lang ang magiging pakahulugan ng makakabasa ng kanilang mga hinaing.

Una, mga duwag sila, gusto nilang magkaroon ng resulta ang kanilang sumbong nang hindi naman sila nagpapakilala.

Ikalawa, puro haka-haka lang ang laman ng dokumento, walang basehan, hindi kayang tumayo para maaksiyunan. Sabi nga ni Cesar Montano, “Baseless, wrong and purely accusations” lang ang kanilang isinigaw laban sa aktor.

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with