^

PSN Showbiz

Aktor na ipinangangalandakang lalaki, nagbebenta ng mga produktong pambabae!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Straight daw siya, sabi ng isang male personality, iniaarte lang daw niya ang hinihingi sa kanya ng mga proyektong ginagawa niya. Diretso siyang lalaki, pagdidiin pa niya, may mga naniniwala pero may mga nagtataas din ng kilay sa mga pinagsasasabi niya.

Pero hindi niya puwedeng paniwalain ang mga taong dati na niyang nakakasalamuha bago pa siya napansin sa galing niyang umarte. Kilalang-kilala siya ng mga ito.

Komento ng isang dating nakakasama ng male personality, “E, ‘di siya na! E, ‘di straight na siya kung straight! Sige na, sabihin na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin para mapaniwala niya ang lahat na straight talaga siya!

“Pero ang tanong, totoo ba naman ang sinasabi niya? Kapag nanalamin ba siya, e, kaya niyang sabihin sa mismong face niya na straight nga siya?

“Hindi kaya biglang magkaroon ng kamay ang salamin at tampal-tampalin siya sa pagsasabi niya nang paulit-ulit na hindi siya gay at iniaarte lang niya ‘yun?

“Sige nga, manalamin nga siya, tanungin nga niya ang mirror kung talagang lalaking-lalaki siya? Baka magulantang siya sa gagawin sa kanya ng mirror!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Nu’ng hindi pa pala abala sa pag-arte ang male personality ay meron siyang ibinebentang produkto sa kanyang mga kaibigan at kakilala. ‘Yun ang tatak niya, basta kailangan ng ganu’ng produkto ng mga  kaibigan niya, siya lang ang sagot sa problema.

“Nagbebenta siya dati ng astringent. Yes, effective ang product niya, hindi nasusunog ang balat ng mga gumagamit ng astringent na ibinebenta niya.

“’Di ba, astringent ang product niya, kilalang-kilala siya sa pagbebenta nu’n, tapos ngayon, e, sasabihin niyang straight siya? Astringent ang inio-offer mo, nagdedemo ka pa, tapos sasabihin mong iniaarte mo lang ang lahat?

“Tantanan niya kami, ‘no! Kalalaki niyang tao, pero ang napili niyang linyahan, e, astringent? Sige na nga, straight na siya!” nakataas pa ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Jim Paredes winasak ang pangalan ng APO!

Hanggang ngayon ay pinakakain ng apdo ng ating mga kababayan si Jim Paredes. Sabi nga ng mga nakakausap namin ay sayang, nadamay sa pagiging pikon-mayabang niya pati ang mga klasikong piyesa ng kanilang grupo, “Apog” Hiking Society tuloy ang ikinakambal na titulo sa kanya.

Napakakapal daw kasi ng apog ni Jim sa pagpatol-pagpapaalis sa EDSA sa iilang piraso lang namang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ano raw ba ang nangyayari kay Jim, wala namang masama kung Dilawan siya, pero ang panghimasukan niya pati ang paninindigan ng ating mga kababayan ay kalabisan na.

Paulit-ulit naming pinanonood ang nag-viral na video ni Jim Paredes habang tinatalakan niya ang mga kabataang nagpunta sa selebrasyon ng People Power. Kitang-kita namang siya ang sumugod sa grupo pero ang bersiyon ng singer-composer ay siya raw ang pino-provoke ng tropa.

Kung taltalan ni Jim ang mga kalalakihang hindi niya kaalyado sa paninindigan ay parang siya ang nagpapakain sa mga ito. Isang napakamaling hakbang ang ginawa ni Jim Paredes na nagbabaon ngayon sa kanya sa kahihiyan at pagkainis ng ating mga kababayan.

Isang aksiyon lang ‘yun pero sapat na para bimbangin siya ngayon nang kaliwa’t kanan sa social media, hinuhusgahan na ng ating mga kababayan pati ang kanyang kinabukasan, pinababalik pa nga siya sa Australia ng marami para kausapin daw niya nang maghapon at magdamag ang mga kangaroo du’n.

Si Jim Paredes mismo ang humanap sa ganito kasaklap niyang kapalaran. Siya ang may gusto nito, siya ang may pumiling maupakan siya, si Jim mismo ang naglapit sa kanya sa apoy na sumusunog sa kanyang imahe ngayon. Siya ang nagpakilala sa sambayanan kung ano ang ugali niya, siya ang humanap sa indulto, hinding-hindi makakalimutan ng kasaysayan ang pinairal niyang kayabangan habang ngawngaw siya nang ngawngaw.

Sayang na pangalan. Sa isang iglap lang ay nawasak nang walang malalim na dahilan.

vuukle comment

JIM PAREDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with