^

PSN Showbiz

Angel nag-react sa anniversary ng ex!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Angel nag-react sa anniversary ng ex!
Angel Locsin

Nakakatuwa na ni-like ni Angel Locsin ang picture post ni Oyo Sotto kasama ang asawang si Kristine Hermosa na kung saan, sabi ni Oyo, “Thank you Jesus. I love you @khsotto thank you for being so patient with me.”

Anniversary nina Oyo at Kristine, six years na silang kasal at may apat na anak. Kaya natuwa ang mga nakakita na ni-like ni Angel ang post ni Oyo dahil naging ex niya si Oyo.

Anyway, gusto namin si Oyo dahil sinasagot niya ang mga basher ‘pag may mga hirit ang mga ito na hindi tama.

Gaya na lang ng isang fan ni Kristine na nag-comment na sana payagan ni Oyo si Kristine na gumawa kahit teleserye.

Sagot ni Oyo: “Siya ang may ayaw. Walang pumipigil sa kanya. Ok! Thanks.”

Hindi na uli nag-comment ang fan ni Kristine. Dati nang sinabi ni Oyo na si Kristine lang ang magdedesisyon kung gusto nitong maging active sa showbiz. Pero ang aktres ang may ayaw at masaya na raw si Kristine na magkasama sila ni Oyo sa sitcom na Hay Bahay.

Aktres na si Shyr Valdez inilantad ang karelasyong tibo, dinedma ng fans

Ang swerte ng aktres na si Shyr Valdez dahil kahit in-open niya sa social media na same gender ang matagal na niyang karelasyon, walang nam-bash sa kanya.

Nakatulong na hindi big star ang aktres pero vi­sible siya sa TV at pelikula. O, si­guro, hindi pa nabibisita ng ba­shers ang account niya at hindi nabasa ang post na nitong “Happy (102) monthsary Bge! 8 years and 6 months today” at tinag pa ang karelasyon.

Naalala namin, nabanggit minsan ni Shyr na single mom siya at mag-isa siyang nagpapalaki ng anak. Ang karelas­yon nito ang katuwang sa pag-aalaga sa mga anak batay na rin sa post nito.

Gabby-sharon movie wala pa ring linaw

Hindi pa in-announce ng GMA 7 pero balitang extended ang Afternoon Prime na Ika-6 Na Utos.

Sa bagay, sa title at story pa lang ay alam nang papatok sa viewers ang teleserye na tungkol sa pagloloko ng lalake, pag-iwan sa asawa at pinili pa ang kabit. Dagdag na pang-engganyo sa viewers ang cast na sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon at Sunshine Dizon.

Samantala, hindi pa pala nasimulan nina Gabby at Sharon Cuneta ang reunion movie nila sa Star Cinema. Noong huli na­ming makausap ang actor, ayaw na muna niyang pag-usapan ang movie habang may teleserye siya sa GMA 7 dahil unfair daw sa network.

Glaiza may sariling travel agency na

Nagbukas ng travel agency si Glaiza de Castro at ang nakakatuwa, kung may mga kaibigan man siyang business partners, isinama pa rin niya ang pa­rents niya sa bagong bi­nuk­sang negosyo. Tinawag na Galura Travels ang maganda, mas pinapaburan ng travel agency ang mag-book at bisitahin ang tra­vel spots ng ating bansa.

Samantala, kare-renew lang ni Glaiza ng kontrata sa GMA Network. Maganda ang rason nito kung bakit piniling manatiling Kapuso. Bukod sa importante sa kanya ang relasyong meron siya sa istasyon, malaki rin ang naging pa­pel ng network sa paghubog sa kanya hindi lang bilang artista, pati na rin bilang tao.

Patuloy na napapanood si Glaiza sa Encantadia at inaabangan na ang ekse­nang maghaharap sila ni Eula Valdes. Si Pirena (Glaiza) laban kay Reyna Avria (Eula).

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with