^

PSN Showbiz

BF sa Die… ni Paolo na si Christian Bables pinaghubad sa launching movie!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Siya ang make-up artist ni Miss France Iris Mittenaere nang manalo ito na Miss Universe 2016 ang claim to fame ng make-up artist na si RB Chanco na inaakusahan na showbiz na showbiz dahil enjoy na enjoy siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya.

SCENE: Umiyak si RB Chanco sa guesting nito sa Magandang Buhay ng ABS-CBN nang basahin niya ang sulat ni Charo Santos na isa sa kanyang mga kliyente. Type ni RB na isadula sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang life story ang biro ng mga nakapanood sa kanyang dramatic guesting sa Magandang Buhay.

SEEN: Nagbantay kahapon ang mga reporter at TV crew sa harap ng opisina ni Senator Leila de Lima sa senado nang pumutok ang balita tungkol sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Juanita Guerrero.

SCENE: Pinaitim ang balat ni Christian Bables para sa kanyang launching movie, ang Bagtik na mula sa direksyon ng award winning director na si Chito Roño. Si Christian ang Best Supporting Actor ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa kanyang effective performance bilang transgender best friend ni Paolo Ballesteros sa Die Beautiful.

SEEN: Kinukunan sa Biri island sa Samar ang mga eksena ng Bagtik. May frontal nudity scene si Christian Bables sa Bagtik.

SCENE: Palaging topless si Albie Casiño sa mga pelikula nito pero ipinagmalaki niya na nanalo siya ng acting award dahil sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na hindi siya pinaghubad. Kasama si Albie sa cast ng upcoming movie ng Regal Entertainment, Inc., ang Pwera Usog.

vuukle comment

RB CHANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with