^

PSN Showbiz

Humayo nakakuha ng 3 nominasyon sa Asian Film Awards

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Humayo nakakuha ng 3 nominasyon sa Asian Film Awards
Charo Santos

MANILA, Philippines - Nominado ang internationally-acclaimed direktor na si Lav Diaz at ABS-CBN chief content officer na si Charo Santos sa nalalapit na 2017 Asian Film Festival para sa kanilang pelikulang Ang Babaeng Humayo.

Si Lav ay nominado para sa Best Director kalaban ang iba pang nominado na sina Na Hong-jin (South Korea), Koji Fukada (Japan), Derek Tsang (China), at Feng Xiaogang (China), habang si Ms. Charo naman ay nominado bilang Best Actress kalaban sina Son Ye-Jin (South Korea), Fan Bingbing (China), Haru Kuroki (Japan), at Kara Wai (China).

Nominado rin Ang Babaeng Humayo para sa kategoryang Best Screenplay.

Taunang ihinahandog ng Hong Kong International Film Festival Society ang Asian Film Awards upang makilala ang galing ng film professionals sa film industries ng Asian cinemas.

 Naging makulay ang taong 2016 para sa Philippine cinema nang napanalunan ng Cinema One Originals at Sine Olivia Pilipinas-produced film ang Golden Lion award sa ika-73 na Venice Film Festival. Itinuturing itong makasaysayan dahil ito ang pinaka-unang Filipino film na nagwagi sa tinaguriang pinakamatandang film festival sa mundo.

Kuwento Ang Babaeng Humayo ng paghihiganti ni Horacio (Charo Santos) matapos makulong ng ilang dekada para sa isang krimen na hindi niya ginawa.

Ang ika-11 na Asian Film Awards ay magaganap sa March 21 sa Hong Kong Cultural Centre.  

AKTOR KADIRI SA CR

Sino ang actor na ito na hindi marunong mag-flush ng bowl sa comfort room?

Minsan ay nag-CR daw ang nasabing actor sa venue ng isang event. Eh pang-girl pala ang napasukan niya. So toilet bowl daw ang ginamit nito. Eh ang kasunod niyang gagamit ng nasabing CR, siyempre babae.

Naloka raw ang kasunod nito dahil nagkalat ang ihi ng actor as in super yuck.

Actually, nasa hitsura naman daw ng actor ang hindi niya masyadong particular sa kalinisan sa katawan.

GOV. CHAVIT NAPAPALIBUTAN NG MGA KANDIDATA NG MISS U

Wow, ang saya ng buhay ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson. Literal na napapalibutan siya ng mga kandidata ng Miss Universe.

Kahapon, nang bumiyahe ang 16 candidates sa Boracay para sa pictorial at ilang pre-pageant activities, kasama si Papa Chavit.

At dahil naka-high heels ang mga kandidata, nagmukhang maliit ang dating gobernador ng Ilocos na siyang nangunguna sa pag-pondo sa nasa­bing beauty pageant na gaganapin sa bansa sa January 30.

Bumili pa ng airplane and yatch ang negosyante para sa pageant na ito kasama ang iba pang negosyante.

Bago ang Bora trip, nagkaroon ng party ang Miss U beauties sa luxury yatch ni Gov. Chavit na binili sa Italy na pinangalanan niyang Happy Life (title din ng kanyang ginagawang TV show).

Balitang halos $13 million ang investment ng grupo ni Papa Chavit sa Miss U.

As of presstime, nasa bansa na ang halos lahat ng kandidata na more than 80.

                                               

vuukle comment

ASIAN FILM AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with