^

PSN Showbiz

Bakit daw kay James? Kris inaapelang makipag-ayos din kay Phillip Salvador

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-share ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino kung ano ang mga proyektong kanyang pagkakaabalahan ngayong taon.

Basta ang isa lang alam ng lahat ay maganda na naman ang relasyon ni Kris sa kanyang ex-husband na si James Yap at live-in partner nitong Italian na si Michela Cazzola dahil siya (Kris) mismo ang nag-reach out sa mag-partner alang-alang sa kanyang bunsong anak na si Bimby na anak nila ni James.

Maging si Joshua ay nananatiling close pa rin sa kanyang dating step-dad hanggang ngayon.

Marami naman ang nagtatanong kung bakit hindi magawang mag-reach out ni Kris sa isa pa niyang dating nakarelasyon, ang actor na si Phillip Salva­dor lalo pa’t ito ang biological father ng kanyang panganay na si Joshua?

Kung si Ipe (palayaw ni Phillip) lamang ang masusunod, gusto rin niyang maging close sa kanyang anak (Joshua) kay Kris pero mukhang matigas ang TV host-actress na maging malapit ang kanyang panganay sa ama nito.

Nasaan daw ang sinseridad at pagi­ging fair ni Kris? Kung nakuha nitong mag-reach out sa kanyang ex-husband na si James at girlfriend nitong si Michela para kay Bimby, bakit hindi raw ito magawa ni Kris sa ama ni Joshua na si Ipe?

Oo nga naman!

Pakakasalan ni Vhong tanggap ang mga anak niya sa iba’t ibang babae

Magkasunod ang marriage propo­sals na nangyari sa dalawang hosts ng noontime program ng ABS-CBN, ang It’s Showtime na sina Anne Curtis (mula sa longtime boyfriend nitong si Erwan Heussaff) at si Billy Crawford (sa girlfriend nitong si Coleen Garcia) kaya ini-expect naman ng kanyang mga kasamahan sa programa na si Vhong Navarro na ang susunod na magpu-propose sa kanyang kasintahang si Tanya Winona Bautista.

“Soon!” deklara ni Vhong sa grand presscon ng kanyang pelikulang Mang Kepweng Returns na magbubukas sa mga sinehan simula sa araw na ito, January 4 na nataon pa sa kanyang ika-40th birthday.

“Napakagandang birthday gift sa akin ni Lord!” bulalas ng dancer-turned comedian-TV host.

Ayon na rin mismo sa komed­yante, wala na raw siyang hahanapin pang iba sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya who stood by him through thick and thin.

“Masaya ako kina Anne and his fiancé ganundin kina Billy at Coleen at alam kong masaya rin sila para sa akin,” patuloy ni Vhong na umaasang mas magiging busy pa sa taong ito.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Vhong sa kanyang girlfriend ay ang pagtanggap at pagmamahal din nito sa kanyang dalawang teen-age sons na sina Bruno at Yce sa dalawang magkaibang babae.

“Tinanggap niya ako ng buong-buo,” diin pa ng dancer-co­median-TV host na inaasahang muling magpapasaya sa kanyang mga tagahanga  sa pamamagitan ng bago niyang pelikula, ang Mang Kepweng Returns na dinirek ni GB Sampedro under Cineko Productions na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa araw na ito ng Miyerkules.

“Pa-birthday n’yo na po sa akin ang pagsuporta n’yo sa Mang Kepweng Returns, pahabol pa ni Vhong.

Happy 40th birthday, Vhong!

vuukle comment

REMOTE WORKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with