^

PSN Showbiz

Korina may natutunan sa dalawang beses na pagkatalo ni Mar

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maraming mga bagay raw ang natutunan ni Korina Sanchez mula sa pagkatalo sa nakaraang eleksyon ng asawang si Mar Roxas. Matatandaang tumakbo sa pagka-presidente ng Pilipinas ang pulitiko pero hindi pinalad na manalo.

“Para sa mga tumatakbo sa isang kampanya, be-all end-all ang pagkapanalo. Pero alam mo when you don’t make it, and this has happened to us twice, you realize that you assess how you come out of it and what that experience, wherein you poured your heart and soul, your body, your time, what has that contributed to you?” makahulugang pahayag ni Korina. “Kawawa ka naman kung ginawa mo lahat ng iyon, namuhunan ka ng sobra-sobra at no’ng hindi mo nakuha ‘yung premyo ang pakiramdam mo sa sarili mo ay talunan ka o dehado ka, o sira ka na, broken. But I refused to be a victim. So I think kailangang kunin mo ang lahat ng mga karanasan and realize that it was all for your betterment and that was all for a purpose,” dagdag pa ng broadcast-journalist.

Sam na-awkward muna bago na-enjoy ang tamis-tamisan nila ni Zanjoe

Sa October 12 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang The Third Party na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby. Kakaibang karanasan daw para kina Zanjoe at Sam ang bagong pelikula dahil magkasintahan ang role nila dito.

“Hindi ko naman ito first time gumanap bilang isang gay pero first time kong gumanap na nasa relationship so bago sa akin ito. Kasi dati tatay ako, do’n lang ako gumawa ng isang gay role,” paliwanag ni Zanjoe.

“Excited ako kasi first time na gagawin ko ‘yung ganitong role. It’s something different para sa akin. It’s nice to be able to work again with Zanjoe and Angel. Actually, ‘yung first two projects nila sa ABS-CBN kasama ako do’n. First movie ni Zanjoe, You Got Me, kasama ako do’n. Tapos ‘yung kay Angel, first MMK (Maalaala Mo Kaya) at saka Only You na teleserye,” nakangiting pahayag naman ni Sam.

Nakaramdam daw ng pagkailang ang dalawang aktor sa shooting dahil sa kanilang role sa nasabing proyekto. “Awkward no’ng simula kasi first time naming gagawin ito eh. Pero hindi pa ginagawa na-a-awkward kami pero once na ginawa na namin siya, nagulat kami na parang enjoy naman pala. ‘Yung trabaho namin hindi pwedeng kulang ‘yun eh, hindi pwedeng hilaw, mahahalata eh,” pagbabahagi ni Zanjoe.

Kahit nagkailangan sa mga eksena ay na-enjoy na rin naman daw ni Sam ang mga ginawa nila ni Zanjoe. “The first few scenes na parang sweet kami parang ang awkward pero na-enjoy namin. Pinagtawanan lang namin,” natatawang pagtatapos ni Sam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with