^

PSN Showbiz

Ama ng anak big time Beauty sa India pa bumili ng pinto at bintana para sa bagong bahay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang ipinagbago ng buhay ni Beauty Gonzales mula nang magkaroon siya ng anak. Kamakailan ay pansamantalang iniwan ng aktres ang pag-arte dahil sa pagbubuntis nito. Ngayon ay masayang-masaya si Beauty sa pagiging ina kay Olivia Ines. “It’s the most wonderful thing that ever happened to me, having a baby. It makes me complete. It makes me have a purpose in life. Dati kasi, I keep working and then party. But now, I’m in a hurry to go home because there’s someone there laughing or smiling at me. It’s the greatest feeling ever,” paliwanag ni Beauty.

Madalas na nakakapagbiyahe ang aktres sa ibang bansa kasama ang partner na si Norman Crisologo. “We’re building a house so we’re buying doors and windows in India. Creating memories with my partner, it’s the best thing. Because it’s not a secret, he’s not getting any younger and I love creating lots of memories with him and our baby. I’m just lucky that I’m with someone who loves to bring me all over the world,” pagbabahagi ng aktres.

Kapansin-pansin ang maganda pa ring pangangatawan ni Beauty at marami ang nagsasabing mukhang hindi raw nanganak ang aktres. “I think motherhood is very kind to me. Diet and taking care of the baby. I realized that I need to fill up my cup also. I mean I can’t be a mom to her full time. I need to do something for myself also, I’m happy that I’m back,” pagtatapos ng aktres.

Kasama si Beauty sa pelikulang The Achy Breaky Hearts na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Richard Yap na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Miyerkules.

Cogie gusto nang balikan ang pagpupuyat

Noong Sabado ay muling napanood si Cogie Domingo sa telebisyon. Nagbida ang aktor sa espesyal na episode ng Ipaglaban Mo. Ayon kay Cogie ay marami siyang natutunan dahil sa istorya ng episode na kanyang ginawa. “Kasi tungkol siya sa mag-asawa. When you get problems being married, meron kayong third party. What to do at anong mga legal advice ang makukuha mo rito. You will learn that you’re not alone and kung ano ang puwede mong gawin,” bungad ni Cogie.

Hinahanap-hanap na ng aktor ang paggawa ng kabi-kabilang proyekto kaya kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na raw niyang magtuloy-tuloy muli sa show business. “Yes, hopefully. Na-miss ko ‘yung puyat. I just want to get back to what I love doing the most. Siguro at least na-settle ko ‘yung family ko and now I can start doing what I want to do again,” pagbabahagi ni Cogie.

Kung papalarin ay gusto raw muling makatrabaho ng aktor si Eddie Garcia. “Marami kasi akong natutunan sa kanya and seeing him again brings back those days. Siguro I want to do a role about being a father I can relate to that. That will be my dream role,” nakangiting pahayag ni Cogie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with