^

PSN Showbiz

Divine Diva minamaliit daw kasi? Kamag-anak ni Mang Dolphy ‘natuwa’ sa nangyari kay Zsa Zsa?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May tinawagan akong isang may konek kay Divine Diva Zsa Zsa Padilla para uriratin ang rason ng hiwalayan nina Zsa Zsa at ng live in partner na si Conrad Onglao. In all fairness, nagsalita naman siya (ang tinawagan ko).

Ang say ng source “masakit daw magsalita ‘yun (na siyempre ay ang tinutukoy ay ang arketikto). Lalo na raw sa relatives ni Zsa Zsa,” sabi pa ni source na ewan din naman natin kung true.

“Saka parang minamaliit daw si Zsa Zsa. Parang maliit ang tingin niya sa mga artista,” dagdag pa ni source na sinasabing dahilan ng hiwalayan ng magka-relasyon.

“Nag-taping si Zsa Zsa noong Miyerkules, pero hindi na siya umuwi. Pinakuha na lang niya noong Sabado ang mga gamit niya,” kuwento pa ni source sa kabilang linya.

Pero nang tanungin ko kung anong reaction ni Eric Quizon, isa sa mga anak ni Mang Dolphy, ayaw daw mag-comment ni Eric.

“Wala naman daw siyang masi-say dahil hindi naman niya kilala si Conrad Onglao. Minsan lang daw niya na-meet,” ang pahayag umano ni Eric.

Sabi pa ni source, hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis na masakit magsalita si Mr. Onglao.

Wala pang official statement ang kampo ng dating magkarelasyon kaya wait tayo.

Eh teka ano kayang masasabi ng mga kamag-anak ni Dolphy? “Naku tiyak nagbubunyi sila,” pahayag pa ni source.

Akala ng lahat ay nakakita na si Zsa Zsa ng ikalawang glorya pero hindi pala.

Ngayon ay nakabalik na umano ito sa dating bahay nila ni Mang Dolphy sa Marina sa Parañaque kung saan nakatira ang anak niyang si Zia.

Iniwan niya ang nasabing bahay nang makipag-live in siya sa arkitekto na ang divine diva rin naman ang nagkukuwento sa kanyang mga interview.

Bukod sa pagli-live in, naikuwento na rin ni Zsa Zsa ang balak na pagpapakasal sana nila ni Mr. Onglao.

Mahaba-habang biyahe, tampok sa Wheels

Mapapasabak sa mahaba-habang biyahe ang motoring team ng Wheels, ang nangungunang motoring TV show ng The Philippine STAR. Samahan sina Matteo Guidicelli, Manny Delos Reyes, Angel Rivero, Kap Maceda Aguila at Ulysses Ang sa kanilang paghimay sa mga usaping may kinalaman sa long-distance driving.

Unang aarangkada ay sina Matteo at Manny habang sakay ng kani-kaniyang BMW M235i coupe. Alamin kung bakit ang BMW na ito ay ‘di lamang sporty kundi swak rin sa pagmamaneho sa malalayong distansya.

Samantala, inihanda naman ni Uly ang sarili para sa isang long-distance drive. Magbabahagi siya ng mga tips kung paano ihahanda ang inyong sarili at auto para sa mahaba-habang biyahe.

Para sa mga nagko-commute, pinasok ni Kap ang loob ng Luxe Bus mula sa kumpanyang MAN. Alamin ang mga magagara at komportableng features ng bus na ito na dahilan para maging patok ito sa mga bus companies.

At, para sa mga mahilig mag-travel kasama ang kanilang mga alagang hayop, sinubukan ni Angel ang pagtatanggal ng pet hair mula sa loob ng kanyang sasakyan.

Lahat ng ito at marami pang iba ang naghihintay sa susunod na episode ng Wheels, ang inyong gabay sa buhay sa daan. Panoorin ang ikatlong season ng Wheels tuwing Huwebes, 10:30 n.g., sa ABS-CBN Sports + Action Channel. Sundan rin ito sa Facebook, i-like lamang ang facebook.com/PhilStarWheels.

This Time naka-score sa takilya

Ayon sa isang showbiz insider, mas malakas ang pelikulang This Time nina James Reid and Nadine Lustre kesa sa nakatapat nitong Just the 3 of Us.

As of 6 p.m. naka-9 million na raw ito. Pero rough estimate lang daw ‘yun at hindi pa exact amount.

Magaganda ang reviews at feedbacks sa pelikulang Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at G o general audience classification sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Isa nga pala sa nanood ng premiere night ng This Time ay si Vice Ganda na todo suporta rin sa pagpo-promote ng pelikula ng paborito niyang loveteam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with