^

PSN Showbiz

Nagulantang Nadine at James nahuling nagtitikiman!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang daming kinilig sa kumalat na video sa social media nina James Reid at Nadine Lustre na naghahalikan habang nakasakay sila sa van. Hindi eksena sa This Time ang nasa video at walang su­migaw ng “action” at “cut” kaya siguro mas ramdam ang emosyon ng dalawa at sabi nga ng JaDine fans, mas real.

Hindi PDA o malaswa ang dating ng halikan ng dalawa at makikita sa video na very tender. Pero paulit-ulit na nag-lips-to-lips ang dalawa at huli na nang malaman ni James na kinukunan sila. Kita ang pagkagulat nina James at Nadine, pero wala na silang nagawa at wala na rin silang nagawa nang i-upload ang video.

Ang argumento ng JaDine fans, at least ang love team na sinusuportahan nila ay real ang relasyon at nasa right age na sila pareho, nagmamahalan at may karapa­tan silang maghalikan hangga’t gusto nila.

In fairness, sa napanood na­ming video, si James ang naunang i-lips-to-lips si Nadine. Ang sweet ng eksenang after ng kanilang show of affection, yumakap si Nadine kay James at isiniksik ang ulo sa leeg nito.

Anyway, sa May 4 na ang showing ng Viva Films movie at makakatapat ang Just The 3 Of Us ng Star Cinema starring John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado.

Direktor ng This Time may hinanakit din na may ‘makakalaban’ ang pelikula

Pagkatapos maglabas ng saloobin ni Mel del Rosario, scriptwriter ng This Time sa magkatapat na showing ng Viva Films movie at Star Cinema movie, ang director ng This Time na si Nuel Naval naman ang nag-react sa sabay na showing ng dalawang local movies sa May 4.

Nabasa ng followers ni direk Nuel ang tweet nitong “Kailangan talaga makipagtapatan? ‘Di ba pwedeng magtulungan na lang?” at may hashtag na #perapera.”

May nag-react na fan yata ni Nadine o JaDine fan at nag-tweet ng “Madadala lang yan sa pag-uusap...no need of violent reaction.”

Sinagot ni direk Nuel ang nag-comment ng “not a violent reaction. I am also a kapamilya, loyal for 20 years. I wish I’m just a director, pero tao din ako.”

Pero mukhang hindi na magagawan ng paraan na may umatras sa dalawang local films na magsa­salpukan sa May 4. Ang makakabangga naman ng two movies ay ang Mother’s Day na pinagbibidahan nina Julia Roberts, Kate Hudson, Jennifer Aniston, at Jason Sudelkis. Panghatak din ng movie ang director na si Garry Marshal, director ng Pretty Woman nina Julia Roberts at Richard Gere na up to now, favourite film pa rin ng maraming Pinoy.

Marian ‘inaagawan’ ni Baby Z ng fans

Sa presscon mamaya ng morning show ni Ma­rian Rivera na Yan Ang Morning, tiyak na matata­nong ito sa first magazine cover ni Baby Zia. Mabili ang magasin at marami pa ang naghahanap kung saan makakabili. Pati digital copy ng magasin, marami rin ang bumibili.

Nakikipagsabayan si Ba­by Zia sa rami ng likes sa magazine cover na pinost ni Marian sa Instagram (IG). As of yesterday, may 62,265 likes na ang post at may 856 comments.

May mga nagre-request din kay Marian kung puwe­de niyang i-guest sa Yan Ang Morning kahit sa birthday niya sa August 12, ayaw nitong mag-commit. Titingnan daw niya, pero sa ngayon ay okay ng sa picture muna nakikita si Baby Zia.

Sa May 2, 10:45 a.m., ang pilot ng Yan Ang Morning na isa sa guest ay ang mom-in-law ni Marian na si Mrs. Angeline Dantes. Ipinakilala ni Marian ang mother ni Dingdong Dantes na “kundi dahil sa kanya, wala akong asawa at anak.”

Co-host ni Marian si Boobay at mula ito sa direction ni Louie Ignacio na balik sa pagdidirehe ng morning show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with