^

PSN Showbiz

Panty nag-hello kagalang-galang na TV journalist nahubuan ng palda sa Presidential debate

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Dahil mag-uumpisa na sa Martes ang opisyal na kampanya ng mga kakandidatong presidente, tiyak na sunud-sunod na naman ang magaganap na presidential debate. Kaya may ilang nakaalala na naman sa nangyari sa isang iginagalang na female TV journalist na habang nagho-host ng presidential debate ay nahubuan ng palda kaya kitang-kita ng mga kandidato ang panty ng kagalang-galang na TV journalist.

Yup, habang nagde-debate biglang natanggal ang zipper ng palda ni Madam Journalist kaya diretso ang hulog nito sa sahig.

Mabilis naman daw ang mga co-host nito kaya natakpan agad si Madam Journalist at nawala agad sa focus ng camera.

In fairness, walang lumabas sa nangyari sa nasabing ka­pita-pitagang journalist. Pero ngayong mauuso na naman ang presidential debate, biglang maraming nakaalala sa pangyayari.

Young actress bugbog-sarado sa nanay nang mabukong nakipag-date sa tomboy

Bugbog-sarado sa kanyang nanay ang isang young actress matapos malaman ng kanyang mader dear na nakipag-date ito sa isang tibo. Yup, as in sinampal-sampal daw ni mader ang anak kaya the following day, maga ang mukha ni young actress. Eh may shooting pa naman daw ng TVC si young actress that day so kinailangan pa raw itong pagpahingahin ng mga nagha-handle ng shooting para maayusan. Kaso mo talagang namamaga raw ang mukha at hindi tinatablan ng make up. Kaya naman, hinintay daw na humupa ang maga para maayusan at malagyan ng make up.

Kasi naman daw si young actress, nabuko ng ina na nakipag-date sa tomboy. Kaya ayun, nakatikim siya sa inang dati ring nagso-showbiz.

Kahit naman kasi siguro sinong ina pag nalamang nakikipag-date sa tibo ang unica hija, talagang magwawala.

Very visible si young actress sa TV at sana ay natuto na siya sa ginawa sa kanya ng nanay niya at hindi na siya nakikipag-date sa tomboy.

Darna, kay Angel lang daw talaga

Si Angel Locsin pa rin daw talaga ang Darna.

Ayon sa source, tiyak na ipaglalaban ni Ms. Malou Santos ang role para sa kanyang alaga.

Kaya hindi naniniwala ang isang katsika ko na mapupunta ang inaabangang paglipad ng Pinay superhero either kina Nadine Lustre and Liza Soberano.

Trending topic kung sino ang gaganap na Darna kahit na nga ilang dekada na ang kuwento nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with