_ngayon
^

Amy hindi inakalang makababalik sa noontime show

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2016 - 9:00am

Masayang-masaya si Amy Perez dahil muli siyang nabigyan ng pagkakataon na makapag-host ng noontime show.

Matatandaang isang dekada na ang nakalilipas nang huling mag-host ng noontime show ang aktres sa ABS-CBN. Ngayon ay isa si Amy sa regular host ng It’s Showtime. “Grabe! Sobra ‘yung happiness kasi talagang God is really amazing. Imagine, after a decade I’m back to doing noontime show na hindi ko man lang naisip na babalik ako ulit dito, na sobrang natutuwa ako at sobrang nagpapasalamat sa ABS-CBN management for giving me that opportunity and of course sa madlang people, at sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sa Showtime,” nakangiting pahayag ni Amy.

Maganda na muli ang ratings ngayon ng nasabing programa kaya malaki rin ang pasasalamat ng TV host dahil dito. “We’re very happy and thankful for that. Kasi talagang natutuwa kami na tinatangkilik pa rin ng mga tao ‘yung kung ano ‘yung gusto naming ginagawa at kung saan kami nag-i-enjoy. We’re just happy entertaining people and we’re happy na natutuwa na nakakapag-share kami ng happiness sa ibang tao. Kasi ‘yon ang importante na nakikita ng mga tao ‘yung tunay na kaligayahan na nararamdaman namin, na lumulusot ‘yun sa mga TV ng bawat isa sa inyo,” paliwanag ni Amy.

Jericho nakikita ang sarili kay Daniel

May mga payo si Jericho Rosales para sa mga nakababatang magkakatambal ngayon sa telebisyon at pelikula katulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Nadine Lustre at James Reid. “Number one, I would advise you not to fall in love with your partner. But then if you fall in love, okay lang din. Please know that the love team is made for TV and film. Kumbaga hindi siya ginawa for real life. But then if you fall in love, which is always the case, okay lang. Enjoy the moment but I would suggest that you look beyond what you guys do every day as actors. Look beyond that,” pahayag ni Jericho.

Aminado ang aktor na mayroon siyang paboritong tambalan sa ngayon. “I like Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Napanood ko ilang mga bits (ng Pangako Sa ‘Yo). Ang KathNiel napa-follow ko. I just like Kathryn’s vibe. Gusto ko ‘yung Filipina, maganda siya tapos marunong siya umarte. Gusto ko ‘yung lumalabas sa kanya. And then may hero siya which is Daniel ‘di ba, parang gano’n. Parang nakikita ko ‘yung sarili ko dati rin gano’n, pero tuwid ‘yung buhok ni Daniel, ako kulot ha-ha-ha. I like that love team. Ang LizQuen gusto ko rin ‘yun pero mas gusto ko pa rin ang KathNiel,” pagbabahagi ng aktor.

ACIRC AMY PEREZ ANG DANIEL PADILLA ENRIQUE GIL JAMES REID JERICHO ROSALES KASI KATHRYN BERNARDO KATHRYN BERNARDO AND DANIEL PADILLA YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with