^

PSN Showbiz

Liza magde-debut sa ASAP!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Imbitado ang lahat sa grand debut celebration ng Kapamilya teen royalty na si Liza Soberano ngayong Linggo (Jan 10) sa ASAP.

Alamin kung sino ang kanyang 18 dances at kiligin sa kanilang moment ni Enrique Gil.

Isang bridal shower naman ang naghihintay para kay Cristine Reyes, habang magsasama-sama naman ang pakakaabangang teleserye loveteams ngayong 2016 - Kim Chiu at Xian Lim, Janella Salvador at Elmo Magalona, Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, at Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

Hahataw naman sa dance floor ang pinakamaiinit na leading men na sina Ge­rald Anderson, Elmo, Jerome Ponce, Joshua Garcia, at Enrique at muli ring mag­papasiklab ang dance goddess na si Sarah Lahbati kasama ang isang espes­yal na guest.

Samantala sa One Lucky Day kasama si Luis Manzano, isa na naming viral at online sensation ang magkakaroon ng once-in-a-lifetime chance para makatapak sa ASAP spotlight.

Huwag palampasin ang ASAP nga­yong Linggo (Jan 10), 12:15pm, sa ABS-CBN.

The Voice Kids nanguna sa listahan ng top 20 shows ng 2015

Namayagpag sa natapos na taon ang ABS-CBN. Ito ay base sa datos ng Kantar Media mula Enero hanggang Disyembre (hindi kasama ang Holy Week) noong nakaraang taon, nagtala ng average national audience share na 43% ang Kapamilya Network kontra 36% ng GMA 7.

Nanatili ring pinakatinutukan ang primetime block (6PM – 12MN) sa buong 2015 sa average national audience share nito na 50% kumpara sa 31% ng kalaban.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamara­ming nanonood.

Pinakapinanood na programa noong nakaraang taon ang The Voice Kids  (41.7%) na sinundan ng FPJ’s Ang Probinsyano (38.8%), Nathaniel  (34.6%),  Pangako Sa’Yo (33.5%) at MMK (30.5%).

Bagamat halos isang buwan pa lang umeere ay pumasok pa sa ikaanim na pwesto ang Dance Kids sa average national TV rating na 30%. Sinundan ito ng  Dream Dad (29.9%), Your Face Sounds Familiar Season 1 (29.8%), Fore­vermore (29.2%) at sa ikasampung pwesto ay ang TV Patrol (28.2%).

Kabilang din sa top 20 ang mga programang Wansapanataym (27.9%), Rated K (25.2%), Your Face Sounds Familiar Season 2 (25.1%), Home Sweetie Home (24.2%), The Voice of the Philippines (23.2%), Pasion De Amo  (23%), Bridges of Love (22.2%), Goin Bulilit (21.4%), at  On the Wings of Love (21.3%).

Mas tinangkilik din ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon kung saan pumalo ito sa national average audience share na 45% ; sa Visayas sa audience share na 55%; at sa Mindanao na may 54%.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

BALANCE LUZON

BRIDGES OF LOVE

CRISTINE REYES

DANCE KIDS

DANIEL MATSUNAGA

DREAM DAD

VOICE KIDS

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with