^

PSN Showbiz

JaDine grabeng tilian, sapaw ang ibang Kapamilya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sobrang tiyaga ng fans na dumagsa kahapon sa Mindanao Open Parking ng Trinoma Mall para sa Kapamilya Krismas3 ng ABS-CBN at Dreamscape.

Halos umaga pa lang daw ay nagsimula nang magdatingan ang fans ng tatlong programa ng Dreamscape, Doble Kara, FPJ’s Ang Probinsiyano at On The Wings of Love.

Eh bago pa nag-umpisa ang programa ng 4:00 p.m., ang dami pang pa-games at kumanta pa ang mga Kapamilya singer like KZ Tandingan, Morisette, Erik Santos, Daryl Ong at iba pa.

Almost 6:00 p.m. na naglabasan ang mga bida ng tatlong serye na pinangunahan nina Sam Milby, Anjo Damiles at Julia Montes para sa Doble Kara, sina James Reid and Nadine Lustre with Albie Casiño for On The Wings of Love and Coco Martin, Richard Yap, Maja Salvador and Onyok for Ang Probinsiyano.

Super tili ang fans pero ang napansin ko, pinakamaraming fans na dumagsa ang sa On The Wings of Love. Pinapakita pa lang sa video ang mga eksena sa OTWOL, tilian na sila. Ibang kilig talaga ang nararamdaman nila sa JaDine.

Pero tili din sila nang tili kay Coco at batang si Onyok. May following na talaga si Onyok dahil sa Ang Probinsiyano.

At sa sobrang siksikan, may nakita akong hinimatay at dinala ng mga naka-standby na paramedics.

Ayon sa report ng Trinoma Security personel, umabot sa 20k ang dumagsa at hindi pa dun kasama ang mga nagtiyagang manood sa parking area building ng mall.

Haunted mansion hindi tinipid ng Regal

Ang suwerte nina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce dahil hindi tinipid ng Regal Films ang pelikula nilang Haunted Mansion na official entry ng Regal Films sa 2015 Metro Manila Film Festival.

As in all out daw ang suporta ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa pelikula at malalaki ang mga eksena nila.

Hindi rin nila minadali ang shooting. Nakaka-ilang months na sila sa shooting at so far, one shooting day na lang ang natitira.

Kaya may oras pa sila sa ilang special effects para mas malakas ang takot factor ng pelikula.

Kaya naman todo-dasal si Janella dahil first movie niya ito at pang-festival pa.

Maging si Direk Jun Lana ay confident na hindi sila magpapa-iwan sa malalaking pelikula na  kasali sa MMFF.

Ang Haunted Mansion ay sa tradisyon ng Shake, Rattle and Roll sa MMFF ng Regal Films.

ALBIE CASI

ANG

ANG HAUNTED MANSION

ANG PROBINSIYANO

ANJO DAMILES

DARYL ONG

DIREK JUN LANA

DOBLE KARA

ERIK SANTOS

ON THE WINGS OF LOVE

REGAL FILMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with