^

PSN Showbiz

Zanjoe nakalimutan na ang problema nila ni Bea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mamayang gabi na gaganapin ang inaabangang Star Magic Ball. Magkasamang dadalo sa nasabing event ang magkasintahang sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. “Lagi namang gano’n, lagi naman kaming magkasama siyempre,” bungad ni Zanjoe.

Kamakailan ay nakapagbakasyon sa Bohol ang magkasintahan at ayon kay Zanjoe ay walang katotohanan ang mga balitang nagkakalabuan na sila ng dalaga. “Masaya, nag-enjoy ako. First time ko do’n sa pinuntahan namin. Siyempre nakapagbakasyon. Okay kami, masaya. Lumang issue na ‘yan. Masyado nang matagal ‘yan. Okay, sobrang okay na. Nakalimutan ko na nga kung ano’ng naging problema eh,” makahulugang pahayag ni Zanjoe.

Samantala, abala na ngayon ang aktor para sa bagong teleserye na pagtatambalan naman nila ni Andi Eigenmann. “Spin-off siya ng Oh My G! So ang magiging title niya ay 1G or One God, parang gano’n. Every Sunday lang siya, once a week mapapanood. Abangan nila ang 1G, napakagandang programa. Excited na ako sa show na ito, sobra. Halos wala siyang pinagkaiba, kaya siguro nagka-spin-off kasi nga ang ganda ng Oh My G! about God at ‘yung mga nangyayari sa buhay ng tao. Maraming matututunan ang tao sa panonood, so maganda na every Sunday ‘yung buong pamilya makakanood ng ganito para matuto sila about faith, about sa pamilya. Madami siyang istorya buwan-buwan, so kami ‘yung magsisimula,” pagbabahagi ng binata.

Daniel at Erich wala pa sa isip ang kasal

Kamakailan ay naaksidente si Erich Gonzales habang ginagawa ang isang eksena sa teleseryeng Be My Lady na pagbibidahan nila ng kasintahang si Daniel Matsunaga. Ipalalabas ang nasabing serye bago magtapos ang taon.

Nag-alala raw si Daniel at ang lahat ng nakapaligid sa set nang mangyari ang aksidente ayon sa model-actor. Sa eksena ay minamaneho ni Erich ang isang pedicab sa baku-bakong daan at nahulog sa butas ang gulong nang mawalan daw ng kontrol ang aktres. “It was a dead end, narinig ko si Direk, ‘Oh Erich! Si Erich!’ Sabi ko, ‘Bakit gano’n? Anong nangyari?’ So pumunta ako sa labas, pumasok ‘yung motorcycle sa butas, ‘yung gulong. Siguro nahulog siya,” kuwento ni Daniel.

Nagkaroon ng mga pasa sa binti si Erich at nahirapang maglakad pagkatapos ng aksidente. Mabuti na raw ang kalagayan ng aktres ngayon ayon sa kasintahan. “She’s fine, she can smile,” pahayag ni Daniel.

Samantala, marami ang nagtatanong sa magkasintahan kung napag-uusapan na ang pagpapakasal lalo pa’t halos sunod-sunod ang kasalan sa showbiz. “Naku! Hindi pa. Sana, sana, sana soon. We’ll never know, in God’s time,” matipid na sagot ng aktor.

vuukle comment

ACIRC

ANDI EIGENMANN

ANG

BE MY LADY

BEA ALONZO

DANIEL MATSUNAGA

ERICH

OH MY G

QUOT

STRONG

ZANJOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with