^

PSN Showbiz

Inakusahan ng panloloko at hindi pagbalik ng $600-K Kanong senior citizen pinaiimbestigahan ang aktres na si Jean Saburit

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kuwelang-kuwela ang pagtatapat ng mga Internet sensation na guests sa Celebrity Bluff mamayang gabi, pagkatapos ng Magpakailanman.

Kahit may pagka-ngenge na si Maria Sofia Love dahil sa katutungga niya ng white wine, aliw pa rin siya na naglaro kasama si Osang para sa kalahating milyong pisong jackpot.

Kalaban nila ang sikat ding sina Michelle at Janet na Pabebe Girls at sina Boy Landi at Roadfill.

PAK: Si Claudine Barretto ang isa sa excited sa pagbabalik ni Marjorie Barretto sa pag-arte via My Fair Lady na bagong drama series ng TV5 at pagbibidahan ni Jasmine Curtis Smith.

Kapag may taping daw siya, lagi raw siyang itini-text ni Claudine at kinukumusta. Niregaluhan pa raw siya ni Claudine ng taping chair na puwedeng higaan. Kaya tuwang-tuwa naman si Marjorie.

Masaya rin si Marjorie na nakabalik na si Claudine sa trabaho kung saan bahagi siya sa pelikulang Etiquette for Mistresses.

“I’m genuinely happy for Claudine. You see that her spirits are very high, and talaga namang what a waste kung hindi siya magbabalik sa industriya,” pahayag pa ni Marjorie.

BOOM: Humarap sa media ang 74-year-old American na na­ging boyfriend ni Jean Saburit na si James Jackson na nagdemanda ng kasong estafa laban sa aktres.          

Ikinuwento nito kung paano sila nagkaroon ng relasyon ni Jean kung saan nagkakilala sila sa isang dating website.

Ayon kay James, nagtiwala siya sa aktres nang magkaroon sila ng relasyon nung nakaraang taon sa ipinadala niyang US$600-K para pambili nila ng condo unit sa Rockwell.

Napagkasunduan daw nilang dito na manirahan at bibilhin na sana ang naturang condo unit. Pero hindi pa raw nabili ang condo unit, nakipag-break na si Jean sa kanya.

Hindi naman daw ibinalik ni Jean ang perang ipinadala niya. Nung nakipag­hiwalay daw sa kanya si Jean, ilang beses daw nitong sinabi na ibabalik ang pera pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kaya napilitan siyang sampahan ito ng kaso at ipinaimbestiga na rin daw niya ito sa FBI.

Bahagi ng statement na ibinigay ni James; “I am a victim of Jean. I was set up to fall in love with her, entrust to her my money, only to never get it back. I seek help from people who know Jean to please convince her to return what is rightfully mine.”

As of presstime, hinihingan pa rin namin ng sagot si Jean pero tumatanggi ito. Nakikipag-usap pa raw siya sa abugado niya kung ano ang nararapat gawin. Pero kinasuhan din ni Jean itong si James ng kasong Misrepresentation dahil sa panloloko diumano sa kanya.

Ang sabi nitong James, aware raw siya sa mga ikinakalat ni Jean na kuwento tungkol sa kanya, pero hindi raw isyu iyon sa kanya.

Ang totoong isyu raw ay hindi pa naibalik ang pera niya, kaya sinisingil niya ito ngayon.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BOY LANDI

CLAUDINE

JEAN

LEFT

NBSP

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with