^

PSN Showbiz

KC bumubuntot daw noon kay Paulo, aktor nagkulong sa dressing room pagkatapos umamin sa kanilang relasyon

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Uy, kumpirmadong si KC Concepcion nga raw ang nakipag-split kay Paulo Avelino ayon mismo sa isang kausap ko the other day. Actually, masyado raw kasi itong malihim si Paulo, as in wala kang mapipiga kaya ultimo malalapit sa kanya, walang idea na sila na nga ng anak ni Megastar Sharon Cuneta. Nakumpirma lang nila nang makita nila si KC sa isang event ni Paulo. Gulantang daw ang mga nakakita kay KC dahil akala nila ay tsismis-tsismis lang. ‘Yun pala truly na ang relasyon ng dalawa.

Pero ngayon daw ay ayaw nang magsalita ni Paulo ng kahit ano tungkol sa kanila ni KC.

In fact, after nga raw ng interview nito sa The Buzz last Sunday, nagkulong pala ito sa dressing room for 30 minutes.

Boses ni Nora Aunor wala nang pag-asang bumalik?!

Lagot parang wala nang pag-asa ang boses ni Superstar Nora Aunor na bumalik sa dati. Kasi nga naman, nagdeklara ng giyera si Ate Guy nang manawagan siya na mag-resign na si Presidente Noynoy Aquino nang magsalita ito sa 20th death anniversary ni Flor Contemplacion, ang domestic helper na binitay sa Singapore dahil sa bintang na pagpatay sa kapwa Pinay na yaya at alaga nito.

“Lalong dumami, milyun-milyon, ang mga nabiktima sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino. Karamihan sa kanila ay napipilitang lumabas ng bansa sa paraang legal man o illegal, at nakararanas ng mapagsamantalang mga kundisyon sa labas ng bansa,” bahagi ng mga pananalita niya nang makisama siya sa manggagawang nagprotesta.

Nag-dialogue pa siya ng “Tama na, sobra na! Noynoy, resign na!”

Last year ay hindi natuloy ang maingay na balita na idideklarang National Artist ang superstar dahil sa umano’y masasamang balita tungkol  kay Nora kahit umano’y kasado na ito matapos ang tatlong proseso. Nakapagtawag na raw noon ang kampo ni Nora ng TV crews ng TV5 dahil nga anytime ay ibibigay ang National Artist award, pero sadly nagpaliwanag ang pangulo na parang may pahaging na may kinalaman ang isyu sa drug case noon ng superstar.

Kamakailan lang ay ipinangako ni Kris Aquino on air, sa The Buzz, na tutulong sila ni Boy Abunda para lang maipagamot na niya ang namamaos na boses at makakanta na ulet.

Paano na kaya ‘yun? Sinasabi pa naman ni Ate Guy na wala siyang extra datung para ipaopera ang lalamunan. Pagkakataon na sana niya ‘yun.   

vuukle comment

ATE GUY

BOY ABUNDA

FLOR CONTEMPLACION

KRIS AQUINO

MEGASTAR SHARON CUNETA

NANG

NATIONAL ARTIST

NORA

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with