^

PSN Showbiz

Sikat na diva tinakasan ang make-up artist!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking okasyon para sa anibersaryo ng isang variety show na dekada na ang binibilang sa himpapawid ay pinagsama-sama sa isang production number ang magagaling na female performers.

Puro sila sikat, may napatunayan na sa mundo ng musika, sila ang mga diva kung tawagin. Kani-kanyang paghahanda sila para sa selebrasyon, naggagandahan ang kanilang suot, walang itulak-kabigin sa kanila ang mga telebyuwers dahil magagaling na silang kumanta ay magaganda pa.

Heto na ang kuwento. Isa sa mga female si­ngers na nag-perform ay kilalang-kilala sa pagiging sarado ang mga palad. Isa siyang boksingero na saradung-sarado ang mga kamao.

Sabi nga ng isang source, “Napakatagal niyang naging performer sa show, pero kapag nagtatanungan ang staff kung bakit minsan lang ba, e, nakatanggap sila ng regalo mula kay ____(pa­ngalan ng pamosong diva), walang makasagot.

“Ilang Pasko ang dumaan na magkakasama sila, pero kahit ano, wala siyang ipinamigay sa staff na tulad ng ginagawa ng mga kasamahan niya,” rebelasyon ng impormante.

Ganu’n kakuring ang pamosong diva. Hindi uso sa kanya ang pagreregalo. Absent siguro siya sa eskuwelahan nang ituro ang PR 101. Sa madaling salita, hindi siya marunong makisama, sinosolo lang niya ang mga biyayang dumadapo sa palad niya.

Heto na. Tapos na ang selebrasyon, naka­pag-perform na ang mga sikat na diva, pero may nakalimutan ang bumibida sa kuwentong ito.

Nakalimutan niyang bayaran ang make-up artist na kinontrata niya para mag-ayos sa kanya. Basta na lang siya umalis, ni hindi man lang siya nagpasalamat sa make-up artist, samantalang napakalinaw naman ng kanilang usapan na siya at hindi ang produksiyon ang magbabayad sa nag-ayos sa kanya.

Komento ng isang source na nakarinig ng kuwento, “Style niya, bulok! Ilang beses na ba niyang ginagawa ang ganyang pangdededma! Napa­kaaga pa para magkaroon siya ng Alzheimer dahil kapag presyo para sa pagkanta niya ang pinag-uusapan, e, napaka-retentive niya!

“Kulang na kulang siya sa pagtutok sa mga pra­yoridad, kulang na kulang siya sa pag-aasikaso sa mga taong nakakatrabaho niya. Kulang na kulang siya sa maraming bagay!” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.

Bong saludo sa katatagan ni Lani!

Ibang-iba na ang tono ng boses ni Senador Bong Revilla pagkatapos niyang madalaw at ma­ya­kap ang kanyang anak. “Maraming salamat, buhay si Jolo. Salamat sa Diyos, out of danger na siya.”

At habang nasa ospital ang senador ay napansin ng mga nagbabantay kay Vice-Governor Jolo, parang bigla itong lumakas, parang nakainom ng pina­kamabisang gamot ang batambatang aktor-pulitiko.

“Anak, tumayo ka, kailangan mong gumalaw,” sabi ni Senador Bong kay VG Jolo. Parang biglang sinaksakan ng suwero ang pasyente, sinubukan nga nitong bumangon, pinagbigyan ni Jolo ang kanyang ama.

Sobrang pagsaludo ang ibi­ni­bigay ng senador sa kanyang misis, “Siya lahat ang humarap sa problema, siya ang nagsugod sa ospital sa anak namin, siya ang gumawa ng lahat-lahat dahil hindi nga nila ako kasama.

“Saludo ako kay Lani, na­pa­kabuo ng loob niya, napa­ka­ta­pang niya,” ramdam na ram­dam namin ang pagmama­laki ni Senador Bong kay Congresswoman Lani Mercado.

Mas panatag na ngayon ang kalooban ng aktor-pulitiko dahil natunton na ng mga doctor kung bakit lumaki ang tiyan ni VG Jolo. Walang dapat ikatakot at ipa­ngam­ba ang kanyang pamilya, bahagi ng patuloy na proseso ng gamutan ang pag­babagu-bago ng katawan ng pas­yente, ang pinakamahalaga ay ligtas na sa indulto ang bise-gobernador ng Cavite.

vuukle comment

BONG REVILLA

HETO

JOLO

NIYA

SENADOR BONG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with