^

PSN Showbiz

Hagupit kay Love Añover isasadula sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, muling balikan ang trahedyang gumimbal sa buong mundo.

Walang naghinala na sa pagdating ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas ay dala rin nito ang isa sa pinakamalaking pamiminsala sa kasaysayan ng ating bansa. Kasabay ng malakas na hangin, ng storm surges at pagtaas ng tubig sa Tacloban at sa mga karatig-bayan nito, kumalat din ang takot at pangamba ng mga taong nakatira rito; para sa sarili nila, at para sa mga mahal nila sa buhay.

Ngunit sa kabila ng paghihirap na dinanas ng mga tao sa mga lugar na ito, hindi pa rin nawala ang kanilang pag-asa na muling makabangon sa kanilang mga naging kapalaran.

Samahan nating muli si Sunshine Dizon, sa kaniyang pagganap bilang si Love Añover, sa pagsasabuhay ng Magpakailanman sa mga kuwento ng mga taong nakasalamuha ni Love; mga taong pinatumba ng Bagyong Yolanda, pero pinilit pa ring bumangon.

Itinatampok din si Paolo Contis, kasama sina Aicelle Santos, Maey Bau­tis­ta, Justin de Leon, Rico Barrera, Alicia Alonzo, Eva Darren, at Bembol Roco.

Mula sa direksyon ni Argel Joseph, huwag palagpasin ang Magpakailanman - Sa Hagupit ng Bagyo: the Love Añover Experience ngayong Sabado (January 24) pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA 7.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ALICIA ALONZO

ANG TUNAY

ARGEL JOSEPH

BAGYONG YOLANDA

BEMBOL ROCO

LOVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with