^

PSN Showbiz

Nakarma nanay ng young actor na nang-api ng reporter, halos wala nang pera ngayon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dahil ilang tulog at gising na lang ay Pasko na, ang mga nakaaaliw na kuwento ng nakaraan sa buhay ng mga reporters ay nagbabalik, napakasarap nga namang bumiyahe pabalik sa panahon.

Nagpunta ang isang grupo ng mga reporters sa bahay ng isang young actor na sikat nu’ng mga panahong ‘yun, nagkuwentuhan sila, naghanda naman ng kanilang makakain ang ina ng young actor na malapit sa mga manunulat.

Meron silang tinanggap na regalo kay mommy, masayang-masaya na ang mga bagitong reporters, ang bigyan nga lang naman sila nang sapat na panahon ng mag-ina ay ayos na.

Nu’ng paalis na sila ay may pilit na iniaabot ang mommy ng young actor sa mga reporters, tumatanggi ang grupo, dahil may mga regalo na nga sila.

Naghahagisan sila sa pera, parang volleyball ang nangyari, hanggang sa tumalikod na si mommy at pumasok na sa kanilang bahay para hindi na maihagis uli pabalik sa kanya ang tupi-tuping pera.

Biglang dumapa ang isang reporter, unat na unat ang kanyang braso, pilit niyang inaabot ang nakatuping pera na ihinagis ng mommy ng young actor.

Kuwento ng aming source, “Medyo may kalayuan sa gate ang pera, mahirap nang abutin, kaya kumuha pa ng ballpen ang reporter para makalayod niya ‘yung datung palapit sa kanila.”

Nakakaaliw, walang kaalam-alam ang tropa na nakasilip pala sa bintana ang mommy ng young actor, tawa rin ito nang tawa dahil halos nakadapa na sa lupa ang umaabot ng ibinigay nitong pamasahe ng tropa.

Kapag naaalala ng grupo ng mga reporters ang karanasang ‘yun ay puro malalakas na halakhakan lang ang maririnig sa paligid, dahil ang reporter na halos dumapa na sa lupa sa pag-abot sa  datung na ihinagis ni mommy ay naging masuwerte sa kanyang career, mas may pera pa yata siya ngayon kesa kay mommy.

Ha! Ha! Ha! Ha! Ubos!

Sarah masayang-masaya sa ‘regalo’ ngayong Kapaskuhan

Ito na nga siguro ang pinakamaligayang Pasko ni Sarah Geronimo. Puwedeng nagmahal na rin nu’n ang sikat at magaling na singer-actress pero iba ang hatid na kaligayahan sa kanya ng lantad nilang relasyon ni Matteo Guidicelli.

Ngayon lang pinayagan si Sarah ng kanyang mga magulang na makipagrelasyon na alam ng publiko, nakadadalaw nang malaya sa kanila ang binatang aktor, kahit pa sabihin na kapag nandu’n sa kanilang bahay si Matteo ay nagpaparamdam si Mommy Divine na gabing-gabi na at kailangan nang magpahinga ang kanyang dalaga.

Ang isang tulad ni Sarah na dakilang anak at kapatid ay kailangang pinepremyuhan ng kaligayahan. Hindi birong pumasan ng isang pamilya, hindi madaling obligasyon ang iahon ang kanyang mga magulang at kapatid sa kakapusan, hindi makasarili ang iniidolong actress-singer na ito.

Dahil sa kanyang kasipagan at propesyonalismo ay naibigay na ni Sarah ang lahat ng kaginhawahan sa kanyang pamilya, sa London pa nag-aaral ang tinutustusan niyang kapatid, marami na ring negosyo ngayon ang kanyang ama at ina.

Ramdam ang kaligayahan ngayon ni Sarah, hindi man niya ‘yun ipagsigawan ay alam ng malalapit sa kanya na ang pagmamahal ni Matteo ang dahilan nu’n, matindi ang respeto ng binatang aktor kay Sarah at sa kanyang pamilya.

Marami ring maligaya ngayon para kay Sarah Geronimo na hindi lang sikat at magaling na performer kundi dakilang anak at kapatid din.

vuukle comment

DAHIL

KANYANG

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY

SARAH

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with