^

PSN Showbiz

Ryzza Mae ayaw magpaka-cougar!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bentang-benta sa showbiz press ang mga pralala ni Ryzza Mae Dizon sa presscon ng My Big Bo­s­sing.

Kiyeme-kiyeme na ayaw ni Aling Maliit na pinag-uusapan ang kanyang personal life dahil sa pralala niya na “I want to keep my private life private.”

Hindi rin feel ni Ryzza na inili-link siya kay Alonzo Muhlach dahil hindi raw siya cougar. Si Alonzo ang anak ni Niño Muhlach na co-star ni Ryzza sa My Big Bossing na official entry sa Metro Manila Film Festival at showing sa mga sinehan sa December 25.

Aliw na aliw si Vic Sotto sa mga dialogue ni Ryzza dahil pareho sila ng paniniwala, ang magkaroon ng privacy ang kanilang mga personal life.
As usual, ang love affair nila ni Pauleen Luna ang inusisa kay Bossing ng mga reporter sa presscon ng My Big Bossing.

Tinanong nila si Bossing kung kailan nito pakakasalan ang kanyang girlfriend. Idinaan ni Bossing sa biro ang sagot niya na “that calls for another presscon.”

Magaling umiwas si Bossing sa mga tanong na may kinalaman sa kanyang lovelife. 

Sa tuwing may mga press­con para kay Bo­ssing, paulit-ulit lang ang mga tanong sa kanya at ganoon din ang mga sagot niya.

Dapat maintindihan ng mga nag-uusisa na hindi komportable si Bossing na tinatanong tungkol sa kanyang lovelife.

Nalalaman naman ng lahat ang mga nangyayari sa kan­yang buhay dahil what you see is what you get ang panuntunan ni Bossing. Kung tala­gang pakakasalan niya si Pauleen, tiyak na mababalitaan natin dahil walang puwedeng isikreto sa showbiz.

Kasali sa Taktak episode ng My Big Bossing si Marian Rivera. Last movie ni Marian ang My Big Bossing bilang dalaga dahil ikakasal sila ni Dingdong Dantes sa Immaculate Conception Cathedral sa December 30 kaya magi­ging legal Mrs. Dantes na siya.

Bukod sa maganda ang kuwento ng Taktak, pumayag si Marian na gawin ang My Big Bossing, for the love of Bossing and Ryzza Mae na mga dabarkads niya sa Eat Bulaga.

Busy na si Marian sa paghahanda sa church wedding nila ni Dingdong. Puno na ang kanyang kalendaryo kaya naka-block off na ang mga TV guesting at mall show niya para sa promo ng My Big Bossing.

Walang problema sa billing ang mga artista ng My Big Bossing.

Alphabetical order ang billing ng mga pangalan ng mga artista kaya nauna si Nikki Gil at pinakahuli si Manilyn Reynes.  Kulelat din sa billing ang name ni Rufa Mae Quinto dahil letter Q ang umpisa ng kanyang apelyido pero nilagyan ng “special participation” ang pangalan niya.

Hindi saklaw ng alphabetical order ang billing ng pangalan ni Marian Rivera. Nasa ibabaw at malaki ang percentage ng billing ng pangalan ni Marian sa mga poster ng My Big Bossing.

Sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival, ang mga producer ng  My Big Bossing ang unang nagpatawag ng big presscon at wise move ito dahil kaliwa’t-kanan ang publicity ng pelikula nina Bossing at Ryzza Mae.

Bahala na ang publiko na mag-isip kung sino kina Bossing at Ryzza ang tinutukoy na My Big Bossing sa pelikula na may brilliant na pamagat.

ALING MALIIT

BIG

BOSSING

DAHIL

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BIG BOSSING

RYZZA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with