^

PSN Showbiz

Coach Bamboo at dating vocalist ng Rivermaya, maghaharap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Makakaharap ng The Voice of the Philippines coach na si Bamboo ang dating vocalist ng Rivermaya, ang banda kung saan din unang nakilala ang rock icon sa blind auditions ngayong weekend (Nov. 22 at 23) ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show.

Matapos maging lead vo­calist ng nasabing banda sa loob ng apat na taon, inilunsad ni Jason Fernandez ang kanyang solo career at al­bum. Bago pa man ma­ging vocalist nito, naging suki rin siya sa iba’t ibang singing contests noong siya’y bata pa at ngayon nga’y sasabak na sa pinakamalaking vocal competition sa telebisyon. Ano kaya ang magiging re­ak­s­yon ni Bamboo kapag nakaharap niya ito? Sinong coaches kaya ang iikot para kay Jason?

Bukod sa kantahan, may isang artist din na gagamitin ang kanyang boses hindi lang para tuparin ang kanyang pangarap, kundi para manawagan sa kanyang tatay na iniwan ang kanilang pamilya at matagal na niyang hindi nakikita.

Sa pagpapatuloy ng blind auditions, isang tattoo artist, isang dating Star Magic talent, isang theater performer, dalawang kasambahay na may nakakaantig na kwento, at isang artist mula Bohol na nangangarap ding maging artista ang haharap sa coaches.

Samantala, mainit pa ring sinusubaybayan ang pagbubuo ng teams nina coach Apl, Sarah, Bamboo, at Lea, at patunay dito ang patuloy na pamama­yag­­pag sa ratings ng The Voice of the Philippines. Pumalo ito sa national TV rating na 30.4% noong Sabado (Nov. 15) at 30% noong Linggo (Nov. 16).

vuukle comment

ANO

BOHOL

BUKOD

JASON FERNANDEZ

LINGGO

SHY

STAR MAGIC

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with