^

PSN Showbiz

Young actress nabukong ginagamit na dahilan ang pagreregla ‘pag tinatamad nang magtrabaho

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Magaling palang gumawa ng dahilan ang young actress na ito kapag tinatamad siyang magtrabaho. Siya pala ang nagpauso ng litanyang para-paraan lang ‘pag may time.

Siya ang itinuturing na junior ng isang kontrobersiyal na aktres na kapag nabuburyong ay bigla na lang sumasakit ang tiyan. Marunong itong pumili ng sakit na ipangdadahilan, tiyan talaga, dahil kung sakit ng ulo nga lang naman ay puwede pang gawan ng paraan.

Kakaiba naman ang drama ng young actress, bigla na lang siyang manglalambot na parang wala nang kalakas-lakas, may kakambal pang pagsusuka ‘yun dahil “meron” daw siya.

Kapag ganu’n ang kanyang drama ay natural, ipagpapaliban na ang kanyang mga eksena, pauuwiin na siya para makapagpahinga. Pero may mga nagtataka na rin sa kadramahan niya, matandain ang kanyang mga katrabaho, bakit parang napapadalas naman yata ang buwanan niyang dalaw?

Natatawang kuwento ng aming source, “Dalawang beses siyang dinadatnan? Kakaiba siya sa ibang babae? Palagi siyang may bisita?” Ganu’n ang tanungan ng mga co-stars niya kapag twice siyang nagda-drama in one month lang!

 “Ang katwiran niya, e, irregular daw kasi ang menstruation niya, ‘yun daw ang reason kung bakit meron siyang dysmenorrhea tuwing meron siya.

 “Pero twice na rin siyang nabubuking ng production. Drama lang ‘yun dahil nakita siya sa mall kasama ang non-showbiz boyfriend niya nu’ng una, nu’ng ikalawa naman, nagbabad siya sa clinic ng paborito niyang dermatologist at nagpakutkot ng face niya,” rebelasyon pa ng aming impormante.

Aysus, very rich na siya sa kamalditahan, very rich rin pala siya sa mga para-paraang kadramahan.

Ubos!

Kampo ni Cesca Litton masama pa rin ang loob sa Balesin

Kahapon ng umaga ay natutukan namin ang mga naging pahayag ni Grace Lee sa Aksyon Sa Umaga kasama sina Martin Andanar at Lourd de Veyra.

Hindi namin nakakaligtaang panoorin ang ka­nilang pang-umagang programa, masustansiyang pagbubukas ng bawat araw ang kanilang malayang pagbibigayan ng opinyon, malalim na kaswal ang kanilang atake dahil parang nagkukuwentuhan lang sila sa kusina ng isang bahay.

Isa sa mga paksang tinalakay nila kahapon ang nakaplanong pagpapakasal nina Se­na­tor Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Balesin Island. Sa pinakahuling balita ay February 15, 2015 na ang kanilang kasal at hindi na sa mismong kaarawan ng aktres na Ferbruary 14.

Ayon kay Grace Lee ay may impormasyong na­karating sa kanya tungkol sa emosyon ni Cesca Litton, iisa lang pala ang kanilang manager, si Arnold Vegafria.

Hindi pa raw nagaganap ang proposal ng mambabatas kay Heart ay totoong nakikipag-usap na ang kampo ni Cesca sa Balesin Island para sa kanyang kasal. Isang kaibigan pa nga raw nito ang naglabas ng sama ng loob sa social media, dahil mas binigyan ng prayoridad ng lugar ang kasal nina Senator Chiz at Heart na ang malinaw na dahilan ay pagpapalutang ng kapangyarihan.

Hanggang du’n lang ang ibinigay na paliwanag ng Koreanang host, naging parehas siya sa pagbabalita, wala siyang inakusahang kahit sino.

Nagbigay na ng opisyal na pahayag si Mr. Bobby Ongpin, may-ari ng Balesin Island tungkol sa isyu, pero hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ng kampo ni Cesca Litton sa nangyari.

Sa plano pa lang ng pagpapakasal nila ay meron nang hindi kagandahang isyung naganap, inalat na agad sina Senator Chiz at Heart Evangelista, payo ng mga kababayan natin ay kailangan daw maligo sa pulot ng dalawa para maging makinis ang kanilang mga plano.

 

vuukle comment

BALESIN ISLAND

CESCA LITTON

GRACE LEE

HEART EVANGELISTA

LANG

SENATOR CHIZ

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with