^

PSN Showbiz

Roxanne Cabanero walang sawa sa pagpapa-interview

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko lang alam kung may magagawa sa kanyang kaso ang madalas na pagpapa-interview ng babaeng nag-akusa ng rape kay Vhong Navarro at ang kanyang pag-apela. May maitutulong nga kaya ito sa kanya? Makakasira naman kaya kay Vhong ang paggamit niya ng media?

Dapat lang alam ni Roxanne Cabañero na bilang artist ng ABS-CBN ay tutulungan ng network ang kalaban niya. Kung inaakala niyang unfair ang ginagawa nilang pagtatanggol dito, it’s up to her legal counsel na salain ito, kung makakabigat sa kanya. Pero iisang pamilya sila, kailangan talaga na magkaisa sila. Ganito rin naman ang gagawin namin dito sa GMA kung isang Kapuso ang binangga niya.

Mga yaman ng ex ni Ruffa dapat maambunan ang dalawang anak

Nagkaayos na pala si Ruffa Gutierrez at Ylmaz Bektas. Kaya welcome nang ipasyal niya ang dalawa niyang anak na babae sa bansa ng asawa niya. Ama ito, siyempre, pababayaan ba ng ama nila? Hindi naman siguro itong kasing lupit ng larawan na ginawa niya nang una silang maghiwalay. 

Dapat lang ilapit ni Ruffa sa ama nila ang mga anak niya, richie si daddy, at may karapatan ang mga anak niya sa anumang yaman, kasaganaan, at kalayawan na maibibigay ni Ylmaz sa dalawang bata.

Binibining Pilipinas 2014 magaganda ang mga kandidata

Maraming magaganda sa mga kandidata ngayon sa Binibining Pilipinas. ’Yun nga lamang, parang dadaan sa butas ng karayom ang mga mananalo.

Makakadama ng napakalaking pressure ang mga winner para masundan ang tagumpay ng mga nanalo o ’yung runners-up man lamang sa mga kontes sa abroad na sinalihan ng ating mga representative. Sana makalusot din sila.

 

vuukle comment

BINIBINING PILIPINAS

DAPAT

NIYA

ROXANNE CABA

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

VHONG NAVARRO

YLMAZ BEKTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with