‘I feel like a hero’ – Megan
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2013 - 12:00am

Touched na touched ang 23-year-old Fil-Am actress turned beauty queen na si Megan Young sa ipinakitang init at pagmamahal ng mga kababayan na walang pakialam sa ulan makita lang siya sa kanyang motorcade sa kahabaan ng Ayala Ave. sa Makati City noong Biyernes.

Ito ang isa sa mga binanggit ni Megan sa interbyu sa What’s Up Doods? on TV5 hosted by Edu Manzano last Saturday night.

Binalikan ni Edu sa kanyang programa ang mga hirap ng Miss World 2013 bago ang matagumpay na pagkapanalo sa Bali, Indonesia at kung paano siya nakuntento sa pagiging 2nd runner-up lamang dati sa isang beauty contest, Miss SBMA, sa Olongapo City.

Wala namang regrets si Megan sa lahat ng nangyari dahil naging mas matatag pa siya sa gitna ng mga pagsubok at kung meron man siyang ipinagpalit na showbiz assignments para sa training ng Miss World, sulit ang lahat ng mga iyon.

 â€œI feel like a hero,” sabi pa nito.

At least ngayon, sey pa ng Pinoy pride, may awareness na ang bansa sa kung ano ang mga kabutihang ginagawa ng beauty organization sa pamamagitan ng iba’t ibang charitable campaigns at humanitarian causes.

Nagbiro pa si Edu na sa sobrang “uso” ni Megan ngayon na mistulang may magic ang pangalan nito, kung magkakaanak siya ng lalaki, papangalanan niya itong “Megan.”

Samantala, kuwela at katawa-tawa naman ang naging takbo ng usapan nina Edu at Ramon Bautista. Malaking bahagi nito ang ginawang paglilinaw ni Ramon na “friends” lamang sila ng Korean celebrity na si Jinri Park.

Nauna kasing naging guest sa What’s Up, Doods? si Jinri kung saan sinabi nitong attracted siya sa aktor dahil sa sense of humor nito. Sa scale nga raw of 1-10, eight ang score ng funny man sa kanya.

Birong hirit pa ni Ramon sa audience, “Bakit hindi kayo makapaniwala?”

Well, pagdating talaga sa interbyuhan, mahusay si Mr. Manzano.

Napapanood ang What’s Up Doods? every Saturday night sa TV5.

Charlie Hunnam hindi na tuloy sa Fifty shades of grey

Ay hindi na pala ang actor na si Charlie Hunnam ang gaganap na Christian Grey sa pagsasapelikula ng librong Fifty Shades of Grey, ayon sa report na lumabas sa The Hollywood Reporter.

“The filmmakers of Fifty Shades of Grey and Charlie Hunnam have agreed to find another male lead given Hunnam’s immersive TV schedule which is not allowing him time to adequately prepare for the role of Christian Grey,” ayon sa statement ng Universal Pictures na lumabas sa nasabing news website. 

Makakapareha sana ni Charlie sa film version si Dakota Johnson na gaganap naman sa character na Anastasia Steele na naka-schedule ipalabas August next year.

Sa umpisa ay maraming kontra sa pagkakapili kay Charlie sa character ng twisted na si Christian Grey pero natanggap din naman agad ng fans ng erotic novel trilogy.

Wala pang binibigay na statement ang writer ng libro na si E.L. James. Nag-tweet lang siya ng “I wish Charlie all the best. x,” sabi ng author ng trilogy book.

Nauna nang sinabi ng Hollywood actor sa E! News na very fortunate siya na sa kanya napunta ang role.

“It’s incredibly exciting. He’s a very complex and fascinating character and I just feel really excited and delighted to be entrusted with the job of bringing him to life and its a big responsibility,” sabi sa interview ng e! News.

Wala pa agad silang sinabi kung sino ang papalit kay Charlie para gumanap na Christian Grey.

Alice nag-two-piece sa harap ni Derek

Taob kay Alice Dixson ang ibang mga young actress ngayon na nagtatabaan. Nag-two-piece swimsuit lang naman ang actress sa mapapanood na serye sa TV5 na For Love or Money na pinagbibidahan nila nina Derek Ramsay and Ritz Azul. Sa preview na ipinapanood last week sa entertainment press, ipinakita na agad ang nasabing eksena nila ni Derek.

Kahit nga si Derek ay impressed sa katawan ng aktres na Cristine ang name sa For Love or Money.

Photographer si Derek sa serye na natipuhan ng misteryosang milyonarya na si Alice na willing gumastos ng pera para makuha ang gusto niya.

Aminado si Direk Mac Alejandre na inspired ang For Love or Money sa pelikulang Indecent Proposal.

Forty four years old na si Alice.

Papasikat na aktor may karelasyong kapwa lalaking foreigner

Condomate ng isang friend ko sa isang plush condominium sa Makati ang isang aktor na sumisikat-sikat na. Pero hindi siya nagulat na katabing unit niya ito. Mas nagulat siya nang makita niya itong inihatid ng isang sports car sa lobby ng kanilang condo building. At hindi babae ang nagmamaneho ng sports car, isa ring lalaki na foreigner na bago raw bumaba ng kotse ang actor ay naglambingan pa ang dalawa sa loob ng car.

So, ang analysis ng friend, “Bakla pala siya.”

Actually, promising si papasikat na actor. May acting at matikas ang tindig. Pero, ’yun nga lang, may dyowang foreigner.

Baka naman sideline lang. Hahaha!

 

 

 

CHARLIE HUNNAM CHRISTIAN GREY DEREK EDU FOR LOVE MEGAN MISS WORLD SIYA UP DOODS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with