^

PSN Showbiz

Palala ang kondisyon: Bella Flores inuulan ng tulong!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang sikat na fliptop artist na si Abra ang isa sa special story ng H.O.T TV na mapapanood mamayang hapon pagkatapos ng Teen Gen sa GMA 7.

Dagdagan pa ng mga hindi ordinaryong kuwento tungkol sa isang tricycle driver na putol ang kamay at paa. Ang tikbalang na nanliligaw at isang painter na may Down Syndrome. At kakaibang kuwento ng tatlong gaganap na ina ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Bukod Kang Pinagpala.

PAK: Medyo senti si Pops Fernandez sa presscon ng nalalapit nilang concert na Foursome nang naungkat ang tungkol sa pagkakaibigan nila ni Martin Nivera pagkatapos ng mga pinagdaanan nila sa kanilang paghihiwalay.

Sabi ni Pops, nang dumalo raw ito sa kasal ng anak ni Gary Valenciano na si Paolo at ang pamangkin ni Martin na si Samantha Godinez, doon daw niya naramdamang parang bahagi pa rin siya ng pamilya kahit matagal na silang hiwalay.

Sabi ni Pops, “Na-realize na maski na hindi na kami together ni Martin family pa rin pala nila ako. That’s the reason why Martin and I can still remain friends because naa-accept pa rin ako ng family niya.”

BOOM: Patuloy na dumarating ang tulong sa ve­teran actress na si Bella Flores.

Lumalala na raw ngayon ang kalagayan ni Bella na nakaratay sa Alzheimer’s Disease.

Nakausap ng Startalk ang anak ni Bella na si Ruby Rose Flores at nag-aalangan nga itong ipasok sa hospital ang kanyang ina at baka hindi na makayanan ng katawan niya ang pagpapagamot.

Pero wala silang magagawa kundi ipasok dahil umaasa pa silang puwede pang malagpasan ng beteranang aktres ang pinagdaraanan nito.

Nagpapasalamat si Ruby dahil ang ilan sa mga unang tumutulong ay sina Ben Chan ng Bench, Boots Anson-Roa, at Caridad Sanchez. Pati nga raw si Sen. Bong Revilla, Jr. ay tumawag na sa kanila para magbigay ng tulong.

Pero ang gusto pa sana ni Ruby ay makapagtrabaho siya pati ang kanyang anak para may pangtustos sila sa pagpapagamot sa kanyang ina.

vuukle comment

BELLA

BELLA FLORES

BEN CHAN

BONG REVILLA

BOOTS ANSON-ROA

BUKOD KANG PINAGPALA

CARIDAD SANCHEZ

DOWN SYNDROME

GARY VALENCIANO

MARTIN AND I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with