^

PSN Showbiz

Kylie sa bahay na nina Robin at Mariel titira!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

“Babalik na ako sa bahay sa Fairview,” balita ni Kylie Padilla sa presscon ng Afternoon Prime block ng GMA 7 kung saan kasama ang pinagbibidahan niyang The Good Daughter sa humahataw sa ratings. Nami-miss daw niya ang dad niya after two years living away from home at good influence na rin ng The Good Daughter.

Natawa si Kylie nang biruin ng press na kaya gusto niyang bumalik sa poder ng ama dahil gusto rin niyang magtipid. Nabalitaan naming P20,000 ang rent niya sa tinitirahang condo na ipina-renovate pa bukod pa sa ibang gastos.

 “Tuwang-tuwa ang dad ko nang sabihin kong babalik na ako at “kailan anak” ang tanong. After Holy Week na siguro at pagbalik ko ng Baguio,” sagot ni Kylie.

Kuwento ni Kylie, marami siyang na-realize mula nang gawin ang The Good Daughter at gampanan ang role ni Bea at kahit acting lang, nalulungkot siya ‘pag inaaway niya ang ama portrayed by Raymond Bagatsing.

Hintayin daw ang mga eksena niya sa bukid na tsika ni Direk Mike Tuviera, excited si Kylie na lumusong sa putikan at sumakay sa kalabaw.

Matapos ibuko ng nanay, Lexi idinenay na naging syota si Jake

Hindi kaya pag-awayan ng mag-inang Maritoni Fernandez at Lexi Fernandez ang nilinaw ng huli sa sinabi ng ina na na­ging sila ni Jake Vargas? Sa interview kay Lexi na kasama sa cast ng Alice Bungis­ngis, never daw silang nag-on ng young actor at twice lang itong pumunta sa bahay nila para manligaw. Iniisip lang daw ng mom niya na BF niya ang guys na bumibisita sa kanya sa bahay.

 “Hindi naging kami ni Jake, ‘di ko siya naging BF officially at pareho kaming focus sa work. Si mommy kasi, ‘di sanay na may umaakyat ng ligaw sa bahay. Lilinawin ko rin na si mommy ang nagsabing “ayaw ko sa pandak” at hindi ako,” sabi ni Lexi.

Sayang at wala sa presscon si Jake dahil sabi ni German Moreno nag-chill ito the night before. Hindi namin narinig ang version niya sa isyu. Ayon naman kay kuya Germs, never siyang nakikialam sa love life ng alaga.

Anyway, kampante si Lexi na hindi magagalit sa kanya ang fans nina Jake at Bea Binene dahil may episodes sa Alice Bungisngis  na magiging malapit siya kay Ace (Jake) at sina Bea at Derrick Monasterio naman.

Movie nina Piolo, wala pang title

Wala pang title ang Star Magic movie na pagbibidahan ng biggest talents nila gaya nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, at marami pang iba to be directed by John D-Lazatin at ang peg ay ang New Year’s Eve  at Love Actually.

Sa April  2 na ang first shooting day na gagawin pa sa Vietnam, pero si Piolo sa April 12 pa raw magsu-shooting. Co-produced ng Star Cinema ang first Star Magic Films na siguradong masusundan pa.

Niña iwas na iwas masita ni Direk Joel

 Masaya si Nina Jose sa paglipat niya sa TV5 at makasama sa cast ng Valiente dahil ngayon lang siya nabigyan ng maganda at serious role, kaya kahit kontrabida, okey pa rin sa kanya. Ikinatutuwa rin nito na Leona na ang tawag sa kanya ng tao, pangalan niya sa Valiente.

Dahil best role niya ito sa TV, she sees to it na lagi siyang handa ‘pag nagre-report sa taping, maaga rin siyang dumadating sa set para iwas sita ni direk Joel Lamangan.

Naaliw kami sa reaction ni Ni?a nang biruing kamukha siya ni Pauleen Luna, hinawakan nito ang mukha na may ibig sabihin, pero hindi itinuloy para ‘di maintriga.

vuukle comment

AFTER HOLY WEEK

AFTERNOON PRIME

ALICE BUNGIS

ALICE BUNGISNGIS

ANGELICA PANGANIBAN

BEA

GOOD DAUGHTER

LEXI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with